Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PBB Inigo Jose Carmelle Collado Eliza Borromeo Fred Moser Rave Victoria Reich Alim

Iñigo Jose inamin matagal nang ‘di nakikipag-usap sa ama, problema ng pamilya sa kanila muna

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAKASUWERTE ni James Blanco sa anak niyang si Inigo Jose. Napalaki ito ng maayos at may paggalang sa kanya.

Napakagalang at walang masamang sinabi si Inigo sa katatapos na Star Magic’s Spotlight Presscon noong Miyerkoles sa Coffee Project Will Tower. Natanong ito ukol sa problemang pinagdaraanan ngayon ng kanilang pamilya.

Nasabi na lamang ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapamilya housemate na maaayos din ang problema nila sa pamilya.

Hindi naman itinanggi ng binata na matagal na siyang hindi nakakausap ng kanyang amang si James at alam din niya ang mga naging rebelasyon niyon hinggil sa kanilang  problemang pamilya.

Kamakailan isiniwalat ni James na hiwalay na sila ng asawang si Tania Creighton at ang wala na siyang komunikasyon sa dalawang anak, sina Iñigo at Sebastian.

Kaya naman hindi nakaligtas si Inigo na hindi matanong ukol dito. Sagot na lamang ng binata, gusto muna niyang  pag-usapan in private ang mga isyu ng kanilang pamilya bago siya magsalita sa publiko.

Dagdag pa ni Inigo, hindi madali para sa kanya ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya, lalo na ng kanyang ina.

Ang masasabi ko lang po sa dad ko, sa mga nanonood, at sa mga nagko-comment, ako po, I wanna keep it private matter.

“Siyempre po, gusto ko kami muna ang mag-usap, then afterwards puwede na pong pag-usapan sa publiko,” giit ng batang actor.

“Gusto ko po munang maayos privately ‘yung family matters namin to give respect to my mom, as well to my family.

“Kasi hindi naman po madali pagdaanan ‘yung mga ganyang bagay sa publiko. Kaya gusto ko po munang i-address iyon privately bago ko po siya pag-usapan publicly,” esplika pa niya.

“Nagkita po kami noong Christmas, pero hindi pa kami nakakapag-usap.

“Pero like I mentioned, gusto ko po muna siyang pag-usapan in private. Maaayos din po yan, siyempre. Pero we want to do that privately,” sabi pa.

Kasamang humarap ni Ingo sa isinagawang Star Magic’s Spotlight Presscon ang lima pang ex housemates na sina Carmelle Collado, Eliza Borromeo, Fred Moser, Rave Victoria, at Reich Alim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala …

Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong …

Janah Zaplan D4E

Janah Zaplan pasabog production number sa Disco Forever 

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na si Janah Zaplan sa March 21, 2026 para sa Disco Forever D4E!  na gaganapin …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Escano My Husband Is a Mafia Boss

Direk Fifth pinuri mga artista sa My Husband Is A Mafia Boss

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ni Direk Fifth Solomon ang cast ng Viva One series na My Husband Is A Mafia …

D Grind

D’ Grind may free dance lesson sa mga Baliwagen̈os

MATABILni John Fontanilla MAY libreng dance lesson ang maituturing na number one at pinaka-abalang dance …