Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan Yuki Sonoda Kelley Day Tony Labrusca All About Her

8th Sinag Maynila filmfest, hahataw na mula Marso 23 hanggang 29, 2026

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG 8th Sinag Maynila Independent Film Festival ay magsisimula na sa March 23.

Anim na pelikula ang mapapanood sa full length category kabilang ang “Pinikas” ni Cris Fuego; “Desperada” ni Direk Louie Ignacio; “All About Her” ni Direk Joel Lamangan; “Sweet Escape” ni Rommel C Ricafort; “Ang Bangkay” (The Embalmer) ni Vincent Tañada; at “Lanaya” ni Clyde Capistrano.

Ang All About Her ay isang drama tungkol sa hiwagang bumabalot sa pagkamatay ng isang beauty queen. Tampok dito sina Yuki Sonoda, Kelley Day, at Tony Labrusca. Kasama rin sa cast sina Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, at Jim Pebanco.

Isang trahedya “Ang Bangkay (The Embalmer)” tungkol sa mga lihim na bumabalot sa bahay ng isang biyudong embalsamador. Bahagi ng cast sina Vince Tañada, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, Mercedes Cabral, Juan Calma, Sarah Javier, JP Lopez, at OJ Arci.

Kuwento ng isang babaeng biktima ng pananamantala na kinupkop sa isang mental asylum ang Desperada. Pinagbibidahan ng VMX star na si Robb Guinto, tampok din sa cast sina Yasser Marta, Mhack Morales, Sue Prado, Mercedes Cabral, Marife Necessito, Julianne Richards, Adda Musni, at Jorge Guda.

Ang Lanaya ay isang mystery thriller tungkol sa isang detective na nakipag-alyansa sa isang lalaking nursing student para maresolba ang isang krimen. Tampok dito sina Shaun Salvador, Jun Nayra, Rolando Inocencio, Madeleine Nicolas, Gigi Hernandez, Marlon Mance, Aljun Fajardo, Rhett Romero, at Clyde Crosz.

Isang regional film tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang babaeng promdi para takasan ang kahirapan ang pelikulang Pinikas (Halved). Kabilang sa cast sina Angela Villarin, Jade Makawili, Kevin Reams, Michael Bacalso, Randolph Valmoria, Dion Seco Cecilio, Jolaica Amiana, Ellah Mae Cuaton, at Arvin Cabajes.

Ang Sweet Escape ay ukol sa dalawang taong pinagtagpo sa isang isla na parehong tinatakasan ang sugat ng kanilang nakaraan. Bida rito sina Arci Muñoz at ang Korean actor na si Kang Dong gun. Kasama naman sa supporting cast sina William Lorenzo, Matet De Leon, Ayeesha Cervantes, Ana De Leon, Brylle Parzuelo, at Alex Chang.

Ang Sinag Maynila ay itinatag ng movie producer na si Wilson Tieng ng Solar Studios, Inc. Kasama rito ang award-winning filmmaker at Cannes Best Director na si Brillante Mendoza bilang Festival Director.

Nagagalak si Direk Brillante dahil maraming students ang lumahok sa short films. “Well, bawat taon naman ay iba-ibang pelikula… Actually, this year, ito iyong may pinakamaraming estudyanteng short films na sumali so far sa lahat ng mga edition. A total of 333 short films, so hindi biro iyon.”

Aniya, “Despite sa mga nangyayari sa ating industry ngayon, kapag nakakakita tayo ng ganyang karaming short filmmakers at mga estudyante na nagkaka-interes na gumawa ng pelikula, kahit paano nagkakaroon tayo ng pag-asa na huwag sanang mawala, kasi sila ang mga future directors at filmmakers natin, e.”

Ang 8th Sinag Maynila filmfest ay magkakaroon ng theatrical run mula Marso 23 hanggang 29, 2026 sa Gateway Cineplex, Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown Cinemas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala …

Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong …

Janah Zaplan D4E

Janah Zaplan pasabog production number sa Disco Forever 

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na si Janah Zaplan sa March 21, 2026 para sa Disco Forever D4E!  na gaganapin …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Escano My Husband Is a Mafia Boss

Direk Fifth pinuri mga artista sa My Husband Is A Mafia Boss

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ni Direk Fifth Solomon ang cast ng Viva One series na My Husband Is A Mafia …

D Grind

D’ Grind may free dance lesson sa mga Baliwagen̈os

MATABILni John Fontanilla MAY libreng dance lesson ang maituturing na number one at pinaka-abalang dance …