Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ilocos Sur Kyle Echarri Kai Montinola

Kyle, Kai, Maris nagpasaya sa Ilocos Sur Festival

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAG-ENJOY sina Kyle Echarri at Kai Montinola sa Ilocos Sur Festival 2026 . Twelve days na pagdiriwang ito na tinawag na ONE Ilocos Sur. 

Marami ang kinilig sa  dalawa dahil grabeh ang chemistry nang magsama sa entablado.

Bagay ang KyleKai  na ngayon ay magkasama sa seryeng Roja ng ABS-CBN. Todo ang ibinigay nilang saya.

Sa loob ng 12 makulay at makabuluhang araw ng pestibal pasabog ito dahil nakisaya rin sina Maris Racal, Catriona Gray, Arthur Nery, Adie, Yeng Constantino, Flow G atbp..

Samantala,  ipinamalas ng Ilocos Sur Festival 2026 ang tunay na diwa ng pagkakaisa, kultura, pananampalataya, at kasiyahan sa buong lalawigan. 

Sa temang the people’s celebration, pinatunayan ng pagdiriwang na ang lakas ng probinsiya ay nagmumula sa sama-samang pagkilos ng mamamayan—mula sa mga magsasaka at mangingisda hanggang sa kabataan at mga balikbayan. Binuksan ang pista sa pamamagitan ng trade and food fair na nagbigay-pugay sa husay at pagkamalikhain ng mga lokal na negosyante at artisan. 

Tampok dito ang mga makabagong produkto at kompetisyon na nagpakita ng sigla ng micro, small, and medium enterprises (msmes) ng lalawigan. 

Sinundan ito ng isang banal at makabuluhang eucharistic celebration at Los Patrones Procession na pinangunahan ni David William V. Antonio, na nagbuklod sa mga Ilokano sa iisang pananalig.

Isa sa mga tampok na kaganapan ang grand parade at grand opening sa Quirino stadium, na dinagsa ng humigit-kumulang 40,000 katao. 

Namukod-tangi ang mga naglalakihang floats ng iba’t ibang bayan habang nagbigay-aliw sina Kai at Kyle sa engrandeng pagbubukas.

Binigyang-halaga rin ang agrikultura sa Agri Day. Pinarangalan ang mga magsasaka at mangingisda bilang haligi ng ekonomiya. 

Samantala, ipinagdiwang ang pagbabalik ng mga Ilokanong nasa ibayong-dagat sa An Evening with the Balikbayans, na ginanap sa Chavit coliseum. Naging makulay din ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang kompetisyon tulad ng Cosplay at Esports na isa sa hurado ay si Myrtle Sarrosa.

Nagkaroon din ng Tinnatoan: Tattoo Expo na nagbigay-pugay sa tradisyonal na batok ng mga apo ni Apo Whang-od.

Kabugan din sa Mister at Miss Ilocos Sur, Pride Queen, Street Dance and Showdown Competition na  nilahukan ng mga guest  artist gaya nina Maris at Paul Salas.

May mga pakulo rin gaya ng Gen Z-arzuela,  Motocross, Bangkarera, at Battle of the Bands. 

Ang Miss Ilocos Sur 2026 ay pinangunahan ni Catriona Gray bilang host, na lalong nagbigay ningning sa gabi ng koronasyon.

Hindi rin nakaligtaan ang serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng One Ilocos Sur health Caravan at ang pagkilala sa mga natatanging mamamayan sa Pammadayaw: Father Jose Burgos Award. 

Nagkaroon din ng tribute to elderlies bilang pagpupugay sa mga nakatatanda na naging pundasyon ng kultura at kasaysayan ng lalawigan.

Tinapos ang pagdiriwang sa isang Thanksgiving Mass at sa makulay na One Ilocos Sur Night concert tampok sina Arthur Nery, Yeng constantino, atbp.

Sinabayan ito ng engrandeng fireworks display. 

Umabot sa milyon-milyong online views ang mga kaganapan, patunay ng malawak ang suporta at partisipasyon ng publiko.

Sa kabuuan, ang Ilocos Sur Festival 2026 ay hindi lamang isang pagdiriwang kundi isang makapangyarihang patunay na kapag nagkaisa ang mamamayan—sa kultura, serbisyo, at pananampalataya—ang buong lalawigan ay tunay na nagiging isa.

Winner!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala …

Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong …

Janah Zaplan D4E

Janah Zaplan pasabog production number sa Disco Forever 

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na si Janah Zaplan sa March 21, 2026 para sa Disco Forever D4E!  na gaganapin …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Escano My Husband Is a Mafia Boss

Direk Fifth pinuri mga artista sa My Husband Is A Mafia Boss

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ni Direk Fifth Solomon ang cast ng Viva One series na My Husband Is A Mafia …

D Grind

D’ Grind may free dance lesson sa mga Baliwagen̈os

MATABILni John Fontanilla MAY libreng dance lesson ang maituturing na number one at pinaka-abalang dance …