Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Lawrence Alvin Aragon

Kris kinompirma pagnanakaw ni Alvin ng cellphone: Gusto ko siyang suntukin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SINAGOT ni Kris Lawrence ang nailahad kamakailan ni Alvin Aragon, ang pagnanakaw niya ng cellphone ng R&B singer ilang taon na ang nakararaan.

Ibinuking kamakailan ng asawa nj Sexbomb Izzy Trazona na kinuha niya ang cellphone ni Kris sa loob mismo ng bahay niyon.

Noong napasok ako sa showbiz, aba roon ako nagnanakaw. Nagnanakaw ako ng cellphone rin. Si Kris Lawrence, ‘yung singer, ninakawan ko ng cellphone ‘yun sa bahay niya. 

“Mayroon pang isa eh, co-worker ko sa showbiz. Kinuhananan ko ng almost P40,000 sa bahay niya,” pag-amin ni Alvin sa kanyang video.

Pagkaraan ng viral video ni Alvin, nagsalita si Kris sa kanyang Facebook account at ikinuwento kung ano talaga ang nangyari sa  cellphone na nanakaw. 

Ani Kris, magkasama sila noon ng kaibigang singer din, ang R&B King na si Jay R sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City at nakilala roon ang grupo nina Alvin na nag-iinuman din.

Nagpakilala nga siya na he’s part of ‘StarStruck.’ We were all drinking, kwentuhan. I think he was with two or three other people,” pagbabalik-tanaw ni Kris. 

Pagkaraan, nagkayayaan sila na ituloy ang inuman sa kanyang bahay, kasama sina Alvin.

When I was going back to my room, I noticed that nawawala ‘yung cellphone ko. Hanap ako nang hanap. Wala ngani,” anang singer.

Tinawagan niya ang isa sa mga kaibigan ni Alvin na nakasama sa bahay niya at tinanong kung may nakitang cellphone, pero wala raw.

For me, nakapagtataka kasi hawak-hawak ko naman iyon sa studio and apat lang naman kami. Talagang it’s weird,” nangingiting sabi pa ni Kris.  

Pagkaraan ng ilang araw, nakatanggap si Kris ng tawag mula sa kaibigan ni Alvin, “I think na guilty ‘yung isang friend niya and tinawagan niya ako and inamin na si Alvin nga ‘yung kumuha.

I was like, ‘Dude why would you do that? Why would you steal from me in my own house bro? That’s so disrespectful,’” aniya pa.

Nag-sorry siya and honestly my fists were balled up. Gusto ko siyang suntukin pero I know that violence is never the answer. 

“I said ‘It’s okay’ pero medyo binibigyan ko pa rin siya ng attitude which is understandable naman kasi ninakaw nga niya ‘yung cellphone ko,” anito pa.

Twenty years na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente, “I know he’s in a better place now. I know he’s Christian and alam ko naman mabait si Alvin.

Ikaw kasi Alvin eh. Kinalimutan ko na ‘yun ipinaalala mo pa.

“Oo nga, naibalik mo ba?” nakangiting pagtatapos ni Kris sa kanyang video.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala …

Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong …

Janah Zaplan D4E

Janah Zaplan pasabog production number sa Disco Forever 

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na si Janah Zaplan sa March 21, 2026 para sa Disco Forever D4E!  na gaganapin …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Escano My Husband Is a Mafia Boss

Direk Fifth pinuri mga artista sa My Husband Is A Mafia Boss

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ni Direk Fifth Solomon ang cast ng Viva One series na My Husband Is A Mafia …

D Grind

D’ Grind may free dance lesson sa mga Baliwagen̈os

MATABILni John Fontanilla MAY libreng dance lesson ang maituturing na number one at pinaka-abalang dance …