PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na inakusahan ng huli na nagbigay umano ng pisikal, mental, emosyonal, at pinansiyal na abuso sa beauty-queen icon-actress.
Pinabulaanan nga nito ang mga akusasyon ni Melanie na isiniwalat niya sa show ni Boy Abunda na Fast Talk.
Ayon pa sa statement na ipinalabas ng kampo ni Lawyer, matagal ng may history si Melanie ng pag-akusa ng abuse laban sa asawa. Na umano ay napawalang bisa pa nga at hindi umakyat sa korte ang minsan nitong akusasayon sa asawa noong nandito pa sila sa Pilipinas.
Ia-address din daw ni Lawyer ang usapin sa immigration na sinulatan nga ni Melanie para kanselahin ang passport nito at huwag nang patuntungin pa sa bansa.
Mixed ang reactions ng netizen. May mga naaawa at nakikisimpatya kay Melanie, mayroon ding naniniwala sa kanya habang may ilan namang nagdududa sa kwento niya. Pero nagkakaisa ang marami na dapat na ngang diborsiyohin ni Melanie ang asawa dahil mukha nga raw wala itong suwerte pagdating sa asawa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com