Saturday , March 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kurt Michael Aguilar Joey Anne Chavez Mister Miss Lipa Tourism 2025

Pambato ng Brgy Bagong Pook at Brgy. Sampaguita wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2025

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PUNOMPUNO ang Plaza Independencia sa harap ng San Sebastian Church at talaga namang hindi magkamayaw ang mga Lipeno sa pagpapakita ng suporta sa kani-kanilang kandidato sa Mister at Miss Lipa Tourism 2025.

Hindi napigil ng ulan ang Grand Coronation night ng Mister and Miss Lipa Tourism 2025 noong June 19 na pinangunahan ni Konsehal Venice Manalo at sinuportahan ni Lipa Mayor Eric Africa, kasama sina Lipa Tourism Council President Joel Peña at Fernando Manguera, Foundation Chair.

Punumpuno ng tao ang venue ng local pageant na nagmula sa iba’t ibang barangay ng Lipa na talagang sumugod para ipakita ang kanilang suporta sa pambato ng kanilang barangay.

Kaya naman umaalingawngaw ang hiyawan, sigawan, tilian, palakpakan, at pagtawag sa pangalan ng kani-kanilang bet. 

Naglaban-laban ang 12 candidate para sa Mister Lipa Tourism 2025 habang 12 din  kababaihan ang nagpatalbugan para sa titulong Miss Lipa Tourism 2025.

Itinanghal na Mister Lipa Tourism 2025 si Kurt Michael Aguilar ng Brgy. Bagong Pook at Miss Lipa Tourism 2025 naman si Joey Anne Chavez ng Brgy. Sampaguita.

Tinawag na Hakot King si Kurt dahil halos lahat ng special award ay nakuha niya. Siya rin ang itinanghal na Darling of the Press award na pinagbotohan ng mga miyembro ng entertainment media sa ginanap na presscon ilang linggo bago ang coronation night. Si Nestor Cuartero ng Tempo/Manila Bulletinang nag-abot ng premyo sa nagwaging Darling of the Press.

Humakot din ng special awards sa finals night si Joey Anne na sumali na rin pala last year sa naturang pageant pero hindi siya sinuwerte.

Naging mainit at matindi ang labanan ng mga contestant lalo na nang rumampa sa Swimwear at Evening Gown/Formal Wear competition. Kasunod nito ang announcement ng Top 5 finalist.

Naging matindi pa ang labanan sa Q&A portion na nagpatalbugan sa katalinuhan under pressure ang mga pumasok sa Top 5. At in fairness, magagaling silang sumagot lahat lalo ang limang Top 5 na Mister Lipa Tourism 2025.  

Narito ang mga runner-up sa naturang patimpalak:

1st Runners-Up
– Phil Jabez Alejandro – Brgy. Marawoy
– Allessandra Elfante – Brgy. Marawoy

2nd Runners-Up
– Mr. Syrus Miguel Dimayuga – Brgy. 10
– Ms. Jabeshe Coronel – Brgy. Tambo

3rd Runners-Up
Mr. Marcuz Wayne Acar – Brgy. 9A
Ms. Wrincel Joyce Baet – Brgy. San Isidro

4th Runners-Up
Mr. Bob Ivan Las – Brgy. Bulacnin
Ms. Abbygail Mojares – Brgy. Banay-banay

Samantala, sinabi ni Joel Peña na ang pageant ay hindi lamang isang selebrasyon ng kagandahan at kakisigan, kundi isang hakbang patungo sa higit pang pag-unlad ng turismo sa Lipa.

Ang mga hurado ay binuo nina Vien Del Rosario, social media influencer and fashion model; Rex Belarmino, President and CEO ng Mister Grand PhilippinesElosia Jauod, international model at reigning Miss Universe Philippines Laguna 2025Kenneth Rios MarcelinoMister Pilipinas Cosmopolitan 2025Jasmine BungayBinibining Pilipinas Globe 2024 at Miss Globe 2nd Runner-Up; John Eriq Bonifacio, Bench model at Man of the Philippines-UAE 2023; at Katrina Llegado, Chairman of the Board, Miss Universe Philippines, Miss Supranational.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala …

Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong …

Janah Zaplan D4E

Janah Zaplan pasabog production number sa Disco Forever 

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na si Janah Zaplan sa March 21, 2026 para sa Disco Forever D4E!  na gaganapin …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Escano My Husband Is a Mafia Boss

Direk Fifth pinuri mga artista sa My Husband Is A Mafia Boss

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ni Direk Fifth Solomon ang cast ng Viva One series na My Husband Is A Mafia …

D Grind

D’ Grind may free dance lesson sa mga Baliwagen̈os

MATABILni John Fontanilla MAY libreng dance lesson ang maituturing na number one at pinaka-abalang dance …