Tuesday , August 12 2025
Ruru Madrid Tessie Tomas Rowell Santiago Ketchup Eusebio

Ruru pinuri ni Ms Tessie; Rowell pasok sa Lolong  

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA si Tessie Tomas sa mga bagong mukhang mapapanood sa Lolong: Pangil ng Maynila. Reunited nga kung maituturing sina Tessie at Ruru Madrid

Ilang taon na rin kasi mula nang magsama sila sa isang serye, ang Naku, Boss Ko!

Gagampanan ni Tessie si Lola Grasya at magsisilbi siyang gabay ni Lolong sa Maynila nang mapadpad dito ang bida matapos ang mga nangyari sa Tumahan. 

Sa isang panayam, pinuri ni Tessie ang Kapuso actor sa husay nito.

“I find Ruru a very committed actor. ‘Yung gagawin niya lahat maski na [ano]. Napapanood ko rin siya sa ‘Black Rider.’ Mahihirap ‘no? Tapos dito, ganoon din,” say ng veteran actress. 

Balik-telebisyon din si Rowell Santiago bilang si Manuel, ang itinuturing na Big Boss ng Maynila.

Kasama rin sa bagong mukha sa Lolong sina Ketchup Eusebio, Matt Lozano, Yasser Marta, Wendell Ramos, Elle Villanueva, Andrea del Rosario at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MTRCB

MTRCB nakapagribyu ng mahigit 11,000 materyal nitong Hulyo 2025

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALINSUNOD sa mandatong itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang …

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri 2

Kyle pressured sa pag-entra sa loveteam nina JC at Bela

NAG-HIT ang pelikulang minahal ng mga manonood, ang 100 Tula Para Kay Stella. Makalipas ang walong …

Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid at Bea haharapin halimaw ng mga sarili

INIHAHANDOG  ng Viva Films at Evolve Studios ang pinakaunang full-length film ni Nikolas Red, kasama ang kapatid na si Mikhail Red bilang creative …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …