Ang Aking Mga Anak

Mga bata sa Aking Mga Anak pinahanga mga manonood 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGPAIYAK ng maraming tao ang mga batang bida sa advocacy film na Aking  Mga Anak na sina  Jace Fierre as  Gabriel, Juharra Zhianne Asayo as Julia, Alejandra Cortez as Pauline, Madisen Go as  Heaven and Candice Ayesha as Sarah.

Sa naganap na premeire night ng Aking Mga Anak sa SM Megamall Cinema 2  kamakailan ay  pinahanga ng mga bagets ang mga manonood sa husay ng magsipag-arte.

Ang Aking Mga Anak ay istorya ng limang magkakaibigang  bata na may kanya-kanyang kuwento sa kanilang mga pamilya.

Maraming aral ang makukuha sa pelikula ng mga magulang at mga anak at kaibigan.

Mahuhusay din dito sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dan̈o, Klinton Start, Ralph Dela Paz, Art Halili Jr., at Ms. Cecille Bravo.

Magkakaroon ng advance screening ang Aking mga Anak  sa SM IloIlo sa August 9 & 10, habang sa September 3, ang showing nito nationwide. Hatid ng DreamGo Productions ni Mr. Jimenez at ng  Viva Films, directed by Jun Miguel.