Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Buntis na kandidato sa ceasarian section nanganak nang normal sa bahay sa tulong ng Krystall Herbal oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Ernesto Pilapil, 38 anyos, isang delivery rider, residente sa Parañaque City.

         Nais ko pong i-share ang mahimalang karanasan naming mag-asawa. Si misis po ay isang online seller, pero simula noong mag-six months na ang kanyang pagbubuntis ay pinatigil ko na muna siya.

         Nagkaroon kasi siya ng manas at ipinapayo ng OB GYN na isailalim siya sa Ceasarian Section sa panganganak. Alam ko pong hindi biro ang gastos kaya talagang pinagsikapan namin mag-ipon.

         Heto na po, isang linggo bago ang kanyang naka-schedule na delivery sumakit po ang kanyang tiyan, at talagang nagkasunod-sunod ang paghilab. Nang tawagan namin ang kanyang OB-GYN, e hindi po available dahil out of the country, dahil hindi nga po niya ini-expect na maagang magle-labor si misis.

         Sabi niya pumunta na kami sa hospital, at mayroong magsa-substitute sa kanya para magpaanak kay misis. Kaya lang po ay hindi kompiyansa si misis kasi nga iba ang OB-GYN.

         Pero nagulat po ako sa lakas ng loob ni misis, sabi niya, ilabas mo ang Krystall Herbal Oil, kasi tinuruan daw siya ng kanyang tiyahin na hilot kung paano siyang manganganak nang maginhawa sa tulong ng miracle oil na inyong imbensiyon.

         Sabi ni misis, tawagan ko na raw si Auntie para i-assist kami sa panganganak. At ‘yun nga, habang hinihintay namin si Auntie nagpahaplos nang nagpahaplos si misis ng Krystall Herbal Oil sa likod tapos sa kanyang tiyan, sa kanyang mga hita. Tamang-tama po pagdating ni Auntie ay dumalas na ang hilab, at saka siya pinayohan na umupo na sa kama at isandal maigi ang likod habang nakataas ang mga paa.

         Ay wala pa pong 30 minutos, lumabas na ang aming baby na pinangalanan naming Angeliko. Kasi nga po hindi niya pinahirapan ang kanyang mama kahit 8.2 pounds po ang timbang niya.

         Kaya naman po, lalo nagtumibay ang aming bilib sa Krystall Herbal Oil dahil ang inihanda naming budget for Ceasarian Section ay itinabi na naming bilang panimulang savings ni Angeliko.

         Kaya kami po’y lubos na nagpapasalamat sa husay at galing ng Krystall Herbal Oil na inyong imbensiyon.

Maraming salamat po Sis Fely.

ERNESTO PILAPIL

Parañaque City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …