Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Masakit na tuhod pinayapa ng Krystall Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Teofie Arslan, 57 years old, naninirahan sa Mandaluyong City, empleyado sa isang telecommunication company.

         Sa edad kong 57 anyos, ang sabi ng doktor ako raw po ay overweight. ‘Yan daw ang dahilan kung bakit sumasakit ang tuhod ko, nabibigatan sa katawan ko.

         At ‘yan po ang gusto kong i-share, ang benepisyong nakuha ko sa Krystall Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6, kung kaya’t nabawas-bawasan ang pananakit ng tuhod.

         Iba nga po ang kirot ng tuhod ko kapag sinusumpong, hindi ko maitayo nang tuwid at parang ako’y bubuway kapag aking ipinilit. Kaya muli na lang akong uupo. Mainam kung ako’y nasa bahay, e kung nasa opisina, nakahihiyang mag-utos at magpaalalay. Kaya ang ginagawa ko, ako’y nagbabaon ng tungkod.

         Pero isang araw, ipinakilala sa akin ng isang kaibigan ang Krystall Herbal Oil at ang Krystall Vit. B1B6. Tinuruan niya ako kung paano gamitin. Kung medyo malamig daw ang panahon medyo initin ko sa kandila ang bote ng herbal oil at saka ako maghaplos sa aking mga tuhod ng mainit-init pa. Oo nga, ang sarap sa pakiramdam parang nalulusaw ang mga nararamdaman kong namumuong lamig.

         Pagkatapos naman mananghalian, umiinom ako ng tatlong malilit na tableta ng B1B6. Nakatulong naman ito para mawala ang paninigas ng aking mga daliri paggising ko sa umaga.

Simula po noon, hindi na ako nawalan ng Krystall Herbal Oil at Krystall B1B6 sa aming tahanan.

Maraming, maraming salamat po Sis Fely sa inyong napakahuhusay na imbensiyon. Mabuhay po kayo and God bless you always.

TEOFIE ARSLAN

Mandaluyong City  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …