Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Edema sa binti pinaimpis ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyo Sis Fely Guy Ong at sa lahat ng inyong staff.

         Ako po si Conchie Alcano, 53 years old, isang empleyado sa isang private company, naninirahan sa Navotas City.

         I-share ko lang po ang pagkakaroon ko ng edema o pamamaga ng paa. Ininda ko po ito kasi parang hindi ko maikilos ang aking mga paa. Napakabigat.

         Isang kaibigan ko po ang bumisita sa akin dala ang isang maliit na langis — ang Kystall Herbal Oil. Sabi niya ihaplas daw namin sa binti ko. Bago haplasin ng Krystall Herbal Oil, nag-init muna siya ng tubig tapos inilagay sa plangganita saka pinausukan (steam) ang aking binti. Tapos pinunasan din niya ng maligamgam na tubig ang aking mga binti lalo ang mga namamagang bahagi.

         Pagkatapos nito, bago magsara ang skin pores ay hinaplas na niya ng Krystall Herbal Oil at minasahe mula ibaba pataas hanggang sa likod ko para ialabas ko raw ang excess water. Ginawa po ito ni Ate Emma sa loob ng 45 minutes hanggang tuluyang umimpis ang pamamaga sa aking binti.

         After that, dahan-dahan po akong tumayo dahil ako’y tila kailangan mag-CR, at talagang napatunayan kong totoo ang “miracle oil” na Krystall Herbal Oil — ramdam na ramdam ko ang biglang paggaan ng aking paa, wala na ang bigat at higit sa lahat, wala na ang pamamaga.

         Maraming, maraming salamat po Sis Fely, dahil sa napakahusay ninyong imbensiyon. God bless you always po.

CONCHIE ALCANO

Navotas City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …