Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Inflamed appendicitis, pinahinahon ng haplos ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Renato Agtar, 38 years old, naninirahan sa Quezon City. Ang trabaho ko po ay isang messenger o liaison sa isang private company.

               Hindi po nakaka-boring ang trabaho ko, kasi araw-araw may errands at mga liaison work na dapat gawin para sa company. Dalawa rin po ang service vehicle ko, motorcycle or sedan, depende sa lugar o kung gaano kabilis dapat mapasakamay ng recipient ang mensahe mula sa aming kompanya.

               Pero isang araw po habang ako’y nasa Bulacan, biglang sumakit ang aking tiyan, pinagpawisan ako, at pamaya-maya pa’y nagsuka hanggang mamanhid ang aking kanang paa.

               Sa isip-isip ko mukhang emergency case ito, kaya ang ginawa ko po, tumawag ako sa opisina, at agad nagpa-locate ng nearest hospital na puwede kong puntahan, pero dahil walang pamilyar sa lugar kung nasaan ako, minabuti ng kompanya na pasakayin ako sa TNVS at sinalubong ng isang ambulansiya pagkalabas na pagkalabas sa expressway.

               Pero naniniwala po ako na ‘saving grace’ ko ‘yung habang sumasakit ang aking tiyan, palipat-lipat ang sakit sa stomach region, ay haplos nang haplos naman ako ng Krystall Herbal Oil sa buong stomach ko po habang dasal nang dasal. Sa totoo lang po, nakahihimatay ang sobrang sakit pero tiniis ko at pinilit na ‘wag mawalan ng malay hangga’t hindi ako nakararating sa ospital.

               At ‘yun nga po, sa awa ni Yahweh El Shaddai, nakarating ako sa ospital na halos wala nang nararamdamang pain, pero agad po akong itinakbo sa ER, the sa OR.

               Malaking pasasalamat po na naagapan dahil kung pumutok daw po ang appendicitis ay baka maraming naging komplikasyon.

               Sa ngayon po ay nakapapasok na ulit ako sa office, at ang unang-unang ginagawa ko po sa umaga ay tiyakin na may baon akong Krystall Herbal Oil, inuming tubig, at food for lunch.

Maraming-maraming salamat po Sis Fely dahil ang inyong imbensiyon ay malaking tulong hindi lamang sa loob ng tahanan pati na rin kung nasaan ka basta’t seguradong may baon kang Krystall Herbal Oil.

God bless po sa inyong lahat.

RENATO AGTAR

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …