Wednesday , January 8 2025
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Masakit na lalamunan at pamamaos pinagaan ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Isang masaganang Bagong Taon po ang nais kong ipahatid sa inyo, sa inyong mga staff, at sa inyong masusugid na tagasubaybay ngayong pagpasok ng 2025.

         ‘Yun nga lang po medyo hindi maganda ang pasok ng new year sa akin dahil nadale ako ng lamig at init ng panahon, at pag-inom ng malamig na tubig kaya ang resulta sumakit ang lalamunan ko at namaos ako.

         Ako po si Melanie Agrabioso, 37 years old, day care assistant, at naninirahan sa Cavite City.

         Dahil holiday season, nasa bakasyon din ang mga health workers sa aming barangay. Kaya gumawa po ako ng paraan para maibsan ang pananakit ng lalamunan at pamamaos.

         Una, tinigilan ko po ang pagkain ng matatamis at malalamig na pagkain at inumin.

         Kasunod nito, inilabas ko ang aking first-aid kit na kinabibilangan ng Krystall products gaya ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil. Agad akong nagpainit ng tubig pagkatapos ay ibinuhos ko ang ½ ng Krystall Nature Herbs sa isang basong tubig na mainit saka ko hinalo, at iyon ang ininom ko dalawang oras pagkatapos kong kumain. Ipinahaplos ko rin ng Krystall Herbal Oil ang aking ulo, at ipinamasahe hanggang leeg at batok para mabawasan ang lamig.

         Ang ginawa kong pag-inom ng Krystall Nature Herbs ay tuwing pagkatapos ng almusal at pagkatapos ng tanghalian. Ang pagpapahaplos sa aking ulo ay tuwing bago ako matulog.

         Ginawa ko po ito sa loob ng isang linggo, hanggang isang umaga ay napansin kong hindi na ako nahihirapan magsalita. Pero kahit okey na, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpapahaplos ng Krystall Herbal Oil at thrice a week na pag-inom ng Krystall Nature Herbs.

         Muli, maraming salamat Ma’m Fely at hangad ko ang patuloy na paglago ng inyong kaalaman para sa pagpapatuloy na pagpapaunlad ng inyong mga imbensiyon.

         God bless po, Sis Fely.

MELANIE AGRABIOSO

Cavite City

About Fely Guy Ong

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …