Friday , November 15 2024

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

101324 Hataw Frontpage

HATAW News Team

LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na hindi na ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue based-multilingual education (MTB-MLE) bilang medium of instruction o wika ng pagtuturo, habang hinimok ng isang senador ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang agaran at epektibong pagpapatupad nito.

Nakasaad sa Republic Act No. 12027 na hindi na ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3, bagay na iminandato ng Enhanced Basic Education Act of Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) o ang K to 12 Law.

“Tao ang tao, hindi utility, hindi gamit,”

                Ito ang mariing pahayag ng premyadong makata at manunulat na si Jerry B. Gracio, dating komisyoner sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), kaugnay ng nasabing mandato ukol sa MTB-MLE.

Sa paskil ni Gracio sa kanyang social media account, sinabi niyang, “Pansinin ninyo ang comments: hindi naman daw kailangan ang local languages kapag naghanap ka ng trabaho. Nakalulungkot kung ang goal lang ng edukasyon ay para magkaroon ng trabaho. Dahil tingin ko, ang ultimate na goal ng edukasyon ay para maging marunong tayo: bumasa, sumulat, magkuwenta, magkaroon ng sapat na tool para makapag-isip nang kritikal. Masyadong utilitarian ang goal na magkaroon lang ng trabaho. Tao ang tao, hindi utility, hindi gamit.”

                Higit na ikinadesmaya ng manunulat ang rason na kaya tinatanggal ang MTB-MLE dahil mababa ang proficiency ng mga Pinoy sa English at kahit sa Filipino.

Aniya, “Pansinin ninyo ang comments tungkol sa pagtatanggal sa MTB-MLE, sinisisi ang paggamit ng mother tongue sa proficiency natin sa English at kahit na Filipino. Na mali. Kasi mas madaling matuto ng ibang lengguwahe —English, Filipino, kahit na Korean o Chinese, kapag ‘yung unang lengguwahe ng mga bata ang ginagamit mong panturo.”

Dagdag ni Gracio, “Ang masama nito, parang lumalabas na ang failure natin sa edukasyon sa nakaraang 10 taon ay dahil sa MTB-MLE — hindi ang kulang na classroom at school facilities, hindi ang overworked na teachers, hindi ang incompetence ng DepEd central office, o ang mababa pa ring budget sa edukasyon kompara sa laki ng budget na ibinibigay ng mga kalapit nating bansa.”

                Ikinalungkot ng manunulat na imbes ipagtanggol, mismong MTB-MLE teachers ang umayaw sa MTB-MLE.

“Matagal nang sinasabi ng mga eksperto na mas madaling matuto ang mga bata ng reading, writing, science at math, kahit na ng ibang lengguwahe tulad ng English, kung mother tongue ang ginagamit na medium of instruction. Pero mukhang hindi nakikinig ang ating mga mambabatas.

“Alam kong maraming problema sa MTB-MLE, kasama ang mga klase na multi-lingual ang mga estudyante, ibig sabihin, hindi iisa ang mother tongue na ginagamit. Marami nito sa city centers tulad ng Baguio na ang mga estudyante sa isang klase ay maaaring nagsasalita ng Ibaloi, Kalanguya, o Kankanaey — pero Ilocano ang ginagamit na panturo.

“O sa mga lungsod at bayan sa Mindanao — na ang mga estudyante ay maaaring nagsasalita ng iba’t ibang mga wika, pero Sugbuanong Binisaya ang ginagamit. Pero hindi ganito ang kalagayan ng mga klasrum sa ibang panig ng bansa.

“Dahil optional na ang paggamit ng mother tongue, malamang — at sa klase ng utak na mayroon ang marami sa ating mga edukador — ni hindi ito gagawing option. Etsapuwera na naman ang mga katutubong wika sa ating mga klasrum. At ‘yung probisyon na Filipino ang primary medium of instruction — alam natin na charot lang ‘yun. Maso-solve ba nito ang pangungulelat natin sa reading, writing, sciences at math? Hindi.”

                Inilinaw ng manunulat na, “Hindi ako ang nagsabi na mas epektibo ang paggamit ng mother tongue sa pagkatuto, hindi ako linguist. Pero matagal na itong sinasabi ng mga eksperto — mula pa kay Najib Saleeby noong panahon ng mga Americano, hanggang kay Nolasco. Ayaw lang talaga nating makinig, mas gusto natin ang wido-wido.”

“Ganito lang ‘yan kasimple: Kung gusto kong magturo ng science o math sa isang bata na ang unang lengguwahe ay Waray, pero English o Filipino ang gagamitin ko sa pagtuturo, kailangan muna ng bata na matuto ng English o Filipino, bago niya maintindihan ang mga konsepto sa math at science. Kaya importante sa early years na ang lengguwahe na ginagamit ng bata sa bahay ang ginagamit na medium of instruction sa pagtuturo para mas mabilis matuto ang mga bata. Gano’n kasimple.”

                Inihalimbawa ni Gracio ang hindi masiglang partisipasyon ng mga estudyante sa klase.

Aniya, “Bakit maraming mga bata ang hindi nagpa-participate sa klase? Dahil hindi nila maintindihan ang mga konsepto. Kung naiintindihan man nila, hindi sila makapagsalita o maipaliwanag ang mga konsepto sa English. O kahit na sa Filipino, kung iba ang lengguwahe ng mga bata. Bumabalik pa rin talaga ito sa notion na ang edukasyon ay dapat nasa English, matalino ka kapag magaling kang mag-English. Bobo ka kapag nagsalita ka ng sarili mong wika — dahil hindi iyon ang lengguwahe ng edukasyon.”

                Ilan pang mga manunulat at akademista ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagkomento sa paskil ni Gracio.

Ani Isagani Severo, “Hindi sapat na matuto lamang ang mga bata na magbasa at sumulat o magkuwenta at alamin ang scientific name ng mga bagay-bagay. Kailangan nilang kumilala ng tama at manindigan para dito at lumaban sa mali at maglantad ng katotohanan.”

Ayon kay Dr. Aurora E. Batnag, “Kasi gusto nating masolo ang kaalaman at hindi ibahagi sa nakararaming mamamayan, para manatili silang bansot at mangmang at patuluyang mapagsamantalahan.”

Pagbabahagi ni Doms Pagliawan, “Tama ka Sir, ganyan lang ka-simple — using the native language as a medium of instruction. Pero ano ang ginawa sa field? Ginawang asignatura ang Mother Tongue, pinag-aaralan. Tinanggal ang English, at sa Grade 4 na pinag-aaralan. Doon palang sa Grade 4 mag-aaral ang mga bata kung paano magbasa sa English. That’s too late! No wonder our grade 4 pupils ranked last in the area of reading and comprehension.”  

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …