Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs malaking tulong sa skin disease after ng bagyo at baha

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Renante Estabillo, 45 years old, isang rider, residente sa Las Piñas City.

         Kamakailan po ay bumaha sa Zapote Road, at grabe po kaming naapektohan bilang delivery rider na iyon ang ikinabubuhay. Pero dahil po sa nangyaring pagbaha, hindi kami nakapaghanapbuhay, nganga ang pamilya namin.

         Pero ang pinakamasaklap pong bahagi nito, ‘yung after ng baha hindi ka pa rin makapaghanapbuhaykasi nadale ka ng virus at bacteria galing sa baha — gaya ng alipunga at leptospirosis.

         Takot na takot nga po ako kasi baka ma-leptospirosis ako, lalong magugutom ang pamilya ko. Buti na lang po maagap si misis. Nang malaman niya na lumusong ako sa baha, agad siyang nagpakulo ng mainit na tubig, sabi niya ibanto ko raw sa ipampapaligo ko tapos ‘yung susunod niyang iinit ilalagay sa thermos para naman sa iinumin kong Krystall Nature Herbs. Inutusan din niya akong after maligo, ibababad ang paa sa isang palangganang maligamgam na tubig na mayroong Krystall Soaking Powder. After no’n tutuyuin ang paa ng malinis na tuwalya saka ihahaplos ang Krystall Herbal Oil. Pero dahil nabasa ako ng ulan, buong katawan ko ang hinaplosan ng herbal oil ni misis.

         Hindi ko alam kung dahil sa pagod o sa proseso na ginawa namin gamit ang Krystall Herbal Oil, Nature Herbs, at Soaking Powder, kaya nakatulog ako nang mahimbing. Kinabukasan, pinainom din ako ni misis Krystall Vit B1B6 para makatulong sa aking resistensiya.

         Sa loob ng isang linggo ay ginawa ko ang nasabing mga proseso, at awa ng Diyos, hanggang dumating ang bagong bagyo at habagat ay hindi kami dinapuan ng karamdaman.

         Isa po sa maipagmamalaki ko Sis Fely, ang pag-aasikaso ni misis sa amin ng aming mga anak. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit laging nakalista sa budget niya ang Krystall herbal products ng FGO Foundation kasi nga po ay malaking tulong sa pagmamantina at pangangalaga ng aming kalusugan.

         Kaya gusto rin po naming magpasalamat sa inyo, dahil sa napakahusay ninyong imbensiyon lalo ang Krystall Herbal Oil, ang certified miracle oil.

         God bless po and more power.

RENANTE ESTABILLO

Las Piñas City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …