Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Magandang umaga po sa inyong lahat Sis Fely. Ako po si Rodelio delos Angeles, isang welder, naninirahan sa Las Piñas City.
Bilang isang welder po, problema ko ang mga tumatalsik na baga sa aking mukha at braso. Sa mukha mayroon kaming ginagamit na personal protective equipment (PPE) o ‘yung welder’s mask, pero sa braso mahirap magsuot ng long sleeves kasi kapag natalsikan ng baga baka lalo kaming mapaso. Ang ginagawa naming solusyon running water tapos lalagyan ng toothpaste pero kapag nagsugat na ang tagal gumaling.
Hanggang isang araw, na-introduce po sa akin ng isang kaibigan ang Krystall Herbal Oil kasi napansin nga niya ang mga marka ng paso sa braso ko. Sabi niya, i-try mo ito, kapag napaso ka, hugasan mo agad sa running water tapos tuyuin ng malinis na pamunas saka pahiran ng Krystall Herbal Oil.
Ganoon nga po ang ginawa ko. Ang una kong napansin pagkapahid ko ng Krystall Herbal Oil, nawala ang hapdi o ‘yung feeling na parang binabanat ang balat ko dahil sa paso. Tapos maya-maya tumigil ang pagtutubig. Kinabukasan pagkagising ko, tuyong-tuyong na ang sugat at parang papagaling na. Noong ikatlong araw, peklat na lang. Pero sabi ng kaibigan ko ituloy ko lang daw ang pagpapahid ng Krystall, kasi pati peklat ay kaya nitong paputiin. After two weeks po, totoo nga, nawala ang peklat at pantay na pantay ang kulay ng skin ko, walang bakas ng paso.
Talaga pong manghang-mangha ako sa ginawa ng Krystall Herbal Oil, tunay na miracle oil. Simula po noon, ‘yun na rin ang inirekomenda ko sa mga kasamahan kong welder.
Thank you much Ma’m Fely, napakahusay ng inyong imbensiyon. Super bilib po ako. Mabuhay po kayo!
Lubos na sumasainyo,
RODELIO DELOS ANGELES
Las Piñas City