Sunday , November 17 2024
Krystall Herbal Oil

Iniwan na sakit ni ‘Carina’ sa mga binahang komunidad, hinahaplos ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Gina Antiporda, 45 years old, nakatira sa Marilao, Bulacan.

               Hanggang ngayon po ay nag-aayos pa rin kami ng aming bahay at kapaligiran dahil sa bahang dinanas naming dito sa Marilao, Bulacan.

               Talaga pong grabe ang naranasan naming ito. Marami sa amin ay dumanas ng respiratory illness at skin problems pagkatapos ng bagyo at baha. Wala po kaming naipang-first aid dahil tinangay din lahat ng mga gamot namin.

               Habang nasa evacuation area po kami, dinalaw kami ng isang pinsan ko at may dala-dalang Krystall Herbal Oil, Krystall Soak Powder, Krystall Nature Herbs, Krystall Vit. B1B6, at groceries.

               Tuwang-tuwa po ako, lalo sa Krystall Herbal Oil at Krystall Soak Powder kasi po dalawang araw lang natuyo na agad ang nagnanaknak na alipunga sa aking paa. Tinuruan ako ng pinsan kong si ate Jessa na magpakulo ng tubig, bantuan ng ang mainit hanggang maging maligamgam o ‘yung init na kaya ng aking paa, buhusan ng Krystall Soak Powder at ibabad ang aking mga paa sa loob ng 30 minutes. After maibabad, tuyuin ng tissue paper (‘wag daw tela kasi kailangan itapon na ang ipinamunas) ang paa saka ihaplos ang Krystall Herbal Oil sa bahaging may mga alipunga. Gawin ko raw every 8 hours hangga’t hindi natutuyo ang alipunga, kaya ibig pong sabihin tatlong beses ko ginawa ang seremonya sa loob ng isang araw.

               After 2 days po, napansin ko na lang na tuyot na ang alipunga at naging dry skin na lang ang mga langib nito. Hayyy talagang laking ginhawa po nang matuyot ang nagnanaknak na alipunga sa aking paa sa loob lamang ng dalawang araw. Ibang klase po talaga.

               Ang mga inuubo po sa amin ay pinainom naman naming ng Krystall Nature Herbs. Hinati ko po sa apat na portion ang isang sachet, tapos siyempre Krystall Vit. B1B6 na pampalakas ng resistensiya.

               Sa madaling sabi, gumaan po kahit paano ang aming pakiramdam sa kabila ng kalamidad na aming dinanas.

               Maraming salamat po sa Diyos. Salamat din po sa inyo Sis Fely, dahil malaking tulong sa aming recovery (healthwise) ang inyong mga imbensiyon.

               Kaya payo ko lang po sa mga makababasa nito, mag-stocks ng Krystall products lalo ngayong panahon ng tag-ulan. Makipag-ugnayan po sa link na ito

https://www.facebook.com/profile.php?id=100064009275847

Lubos na nagpapasalamat,

GINA ANTIPORDA

Marilao, Bulacan

About Fely Guy Ong

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …