Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Liza Manuguit, 48 years old, kasalukuyang naninirahan sa Obrero, Tondo, Maynila.
Malaki po ang pinsala naamin nitong nakaraang bagyo at habagat. Malaki ang ayusin sa aming bahay kaya nang paalisin na kami sa evacuation center, nakituluyan muna kami sa pinsan ko sa Quezon City.
Kasi po’y grabeng kinabagan ang aking 10 years old na anak na babae.
Ang suspetsa ko po ay dahil sa tubig. Kaya nang umigi na ang panahon, nagkonsulta kami sa doktor. Pinag-lab test kami pero wala naman nakitang kahit ano. Salamat po sa Diyos. Ang problema po hanggang ngayon kinakabagan pa rin siya.
Ang ginawa ko po ay dinala ko sa isang kaibigan naming manghihilot at ang sabi ay may pilay at lamig sa likod ang anak ko kaya kailangan hilutin.
Nang hinihilot na ang anak ko, aba maya-maya dumighay nang dumighay na, at umutot nang umutot. Pagkatapops mahilot, sinabi ng anak ko na hindi na matigas ang kanyang tiyan.
Sinabi sa akin ni Sis Hilda na Krystall Herbal Oil ang gamitin kong panghaplos sa anak ko, kasi posible daw bumalik pa ang lamig o pilay sa likod. Agad akong bumili ng Krystall at sinunod ang kanyang payo.
Hanggang ngayon po ay ganoon pa rin ang ginagawa ko sa kanya, bago maligo at bago matulog.
Ngayong panahon ng tag-ulan, naisip ko na kailangan kong mag-stocks ng Krystall Herbal Oil kasi malaking tulong talaga sa kalusugan at kaginhawaan ng pamilya.
Maraming salamat po Sis Fely.
LIZA MANUGUIT
Tondo, Maynila