Saturday , June 29 2024
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Biktima ng ‘kotong’ iniligtas sa heat stroke ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong

         Magandang buhay po sa inyong lahat diyan Sis Fely.

         Ako po si Mariano Estanislao, isang 45-anyos na delivery rider na nagsisikap lumaban nang parehas pero sadya po talagang may mga taong mapanlamang.

         Dahil ako po ay taga-Taguig, mas madalas kong tinatanggap na biyahe ay south Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan gaya ng Cavite at Laguna. Isang beses pong ako’y nakapag-deliver sa Makati, nasita po ako ng traffic enforcer, smoke belching daw. Nagulat ako kasi lagi ko naman pong tine-check  ang motorsiklo ko kasi nga ayaw ko ng aberya.

         Sabi ng enforcer, P2,000 daw ang violation ko tapos kukunin pa ang motorsiklo ko. Nakiusap ako, kasi nga iyon ang panghanapbuhay ko. Ano ang mangyayari sa akin at sa aking pamilya kung mawawalan ako ng motorsiklo.

         Aaminin ko po na ako’y nakiusap na mag-aabot ng P200 para huwag akong hulihin. Hindi raw puwede, tapos may bumulong sa akin na parang striker, P1,000 daw ang bigayan. Sabi ko hanggang P500 lang ang kaya ko, kasi wala pa akong kita. Halos isang oras po akong nabinbin doon, at nang tantiya kong hindi ako pawawalan, tumawag na ako ng saklolo. Sa madaling sabi, hindi po ako natiketan at hindi na-impound ang motorsiklo ko kasi nagbigay ako ng P1,000.  

Pero pagkatapos po noon, mukhang na-absorb ko ang negative energy dahil sobrang panghihina ang naramdaman ko. Kaya ang ginawa ko, umuwi na lang ako. Nakotongan na ng P1,000 wala pang kita.

Pagbungad ko pa lang sa bahay, nakita na ni misis ang kakaibang itsura ng mukha ko. Sabi niya, anong nangyari sa iyo, daig mo pa ang nakulam. Ang sama raw kasi talaga ng itsura ko, ikinuwento ko sa kanya ang nangyari.

Kaya ang sabi ni misis, halika pahinga ka muna. Inom ka muna ng mainit na tubig tapos kain muna tayo. After naming kumain may inihanda siyang parang tsaa. Mabango na matapang ang amoy. Sabi niya, inumin mo ‘yan Krystall Nature Herbs para ma-relax ka.

After ko mainom ang Krystall Nature Herbs, sabi ni misis mag-wash daw ako o kaya maligo kung kaya ko. After no’n hinaplosan ako ni misis ng Krystall Herbal Oil. Una sa talampakan at sa binti tapos sa likod, sa mga braso at sa huli ang ulo. Halos 15 minutes po ang paghahaplos ni misis sa bawat bahagi ng katawan na nabanggit ko. Hanggang nakatulog po ako.

         Alam po ba ninyo Sis Fely, paggising ko kinabukasan, super gaan ang pakiramdam ko. At ngayon ko lang po nare-realize parang muntik na pala akong ma-heat stroke kung hindi ako umuwi agad.

         Lubos po ang aking pasasalamat dahil kung hindi dahil sa Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil ‘e baka nasa ospital ako ngayon o ‘yung mas masama, baka wala na ako.

         Muli, maraming salamat po.

MARIANO ESTANISLAO

Taguig City

About Fely Guy Ong

Check Also

Kuman Thong Botejyu Viva Cindy Miranda, Althea Ruedas, Emman Esquivel

Kuman Thong at Botejyu sanib-puwersa sa pagbibigay excitement sa viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KATUWA naman iyong naisipang gimmick ng Viva Films, Studio Viva, at Viva Foods. Aba naman, …

Krystall Herbal Oil

Liver spots sa mukha pinapusyaw ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Lito Lapid

Lapid handang magbitiw kapag napatunayang sangkot sa POGO hub

“I WILL RESIGN.” Ito ang tahasang sinabi ni Senador Manuel “Lito” Lapid sa kanyang pagdalo …

P8.5-M liquid Cocaine nasabat sa Port of Clark

P8.5-M liquid Cocaine nasabat sa Port of Clark

HALOS 1,350 milliliters ng liquid cocaine na nagkakahalaga ng P8,522,400 ang nasabat ng mga tauhan …

LTO LTFRB

Babaeng pasahero ipinahiya ng driver, suspensiyon ng lisensiya inirekomenda ng LTFRB

INIREKOMENDA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na …