KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Riyadh Saudi Arabia na nai-turnover na nila sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang medical supplies at equipment na maaaring kailanganin ng pilgrims.
Ito ang pahayag ng Embahada ng Filipinas matapos magkaroon ng immigration issues ang ilang Pinoy Muslims pagdating a Madinah, Saudi Arabia.
Nagtutulungan na ang Philippine Embassy sa Riyadh at ang Philippine Consulate sa Jeddah, Saudi Arabia sa pagresolba sa naging problema sa immigration ng ilang Filipino pilgrims.
Tiniyak ng embahada na gagawin nila ang lahat ng paraan para mapagaan ang proseso sa pagdalo ng Filipino Muslim sa sagradong pilgrimage. (NIÑO ACLAN)