(2nd International Conference on Language Endangerment)
MB Auditorium, Philippine Normal University
Lungsod Maynila, Pilipinas
9–11 Oktubre 2024
Pagbibigay-lakas sa mga Katutubong Mamamayan tungo sa Pagpapasigla ng mga Wika (Empowering Indigenous Peoples towards Revitalizing the Languages)
𝐃𝐞𝐬𝐤𝐫𝐢𝐩𝐬𝐢𝐲𝐨𝐧:
Ang Ika-2 Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika ay sama-samang itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Language Study Center ng Philippine Normal University (LSC-PNU), Departamento ng Linggwistiks ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UP-Lingg), at Departamento ng Filipino ng De La Salle University (DLSU-Filipino). Ito ay tatlong araw na in-person na kumperensiya na magsisilbing venue para sa mga eksperto, iskolar ng wika, mananaliksik-wika, at mga miyembro ng katutubong pamayanang kultural o indigenous cultural communities (ICC) upang magbahaginan ng mga pag-aaral at karanasan, at magpalitan ng idea sa pagtugon sa mga isyung may kaugnayan sa panganganib ng wika.
Layunin nitong mabigyang-lakas at kakayahan ang mga katutubong mamamayan o indigenous peoples (IP) sa pamamagitan ng kanilang pakikisangkot sa pagbuo ng mga patakaran, programa, at pananaliksik para sa pangangalaga ng kanilang wika. Kinikilala ng ICLE 2024 ang angking kakayahan at kakanyahan ng mga IP sa pangangalaga ng kanilang sariling wika at kultura. Sa International Decade of Indigenous Languages (IDIL) 2022-2032 Global Action Plan (GAP), tinukoy ang mga IP bilang isa mga key targets na pangkat na mahalagang maisangkot sa mga gawaing pangwika. Bilang mga IP, sila ang mangunguna sa pagbabago, sila ang may karapatan at tungkulin na magsalin o magtransmit ng kanilang mga wika sa susunod na henerasyon. Ngunit hindi nila ito magagawang mag-isa kung walang tulong mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, institusyon, organisasyon, eksperto, mananaliksik, at iba pang entidad.
Kayâ, sa Kumperensiyang ito, itatampok ang mga pag-aaral na nakatuon sa mga nabuo/binubuong patakarang pangwika, pagdodokumento ng wika, pagpapasigla ng wika, IP education, community-based programs, at ibang pang paksang makatutugon sa pangangalaga ng katutubong wika.
𝐓𝐚𝐫𝐠𝐞𝐭 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤:
Ang Kumperensiya ay inaasahang dadaluhan ng mga Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR), elders, culture bearers, guro, mananaliksik, at kinatawan ng mga organisasyon, institusyon, at ahensiya ng pamahalaan na mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Paanyaya sa pagsusumite ng papel-pananaliksik:
Inaanyayahan ang publiko, lalo na ang mga guro, mananaliksik, iskolar ng wika, at miyembro ng mga katutubong pamayanang kultural o indigenous cultural communities (ICC) na magpasa ng kanilang mga pag-aaral na tumatalakay, ngunit hindi limitado, sa sumusunod na paksa:
· Pagpaplano at Patakarang Pangwika
– ahensiya ng pamahalaan
– kolehiyo at unibersidad
– pribadong institusyon
– non-governmental organizations (NGO)
· Pagdodokumento at Deskripsiyon ng Wika
· Community-Based Programs
– programang inisyatiba ng komunidad
– paglilipat ng wika
– pagpapasigla ng wika
· Indigenous Peoples Education (IPEd)
– pagpapaunlad ng wika
– kagamitang pampagtuturo
– estratehiya sa pagtuturo
· Mother Tongue-Based-Multilingual Education (MTB-MLE)
· Pagbuo ng resources
– ortograpiya
– diksiyonaryo
– glosaryo
– aklat
Ang isusumiteng Abstrak ay kinakailangang naglalaman ng sumusunod:
1. Abstrak na hindi lalampas sa 400 na salita.
– pamagat ng abstrak
– teksto ng abstrak
– keywords
– sanggunian at footnote (kung aplikable)
2. Format para sa isusumiteng abstrak:
– naka-Word file sa A4-sized bond paper
– 1 inch margin sa lahat ng gilid
– double space
– Times New Roman, 12 font size
3. Ang abstrak ay maaaring nasa wikang Filipino o Ingles.
4. Ang dokumento ay nakaayon sa format ng KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat, kung ang abstrak ay nasa wikang Filipino.
5. Ito ay dapat na orihinal na akda at hindi pa naisusumite upang ipresenta sa iba pang kumperensiya o ilalathala sa mga publikasyon.
6. Ang abstrak ay maaaring indibidwal o grupo (2–4 na tao) ng mananaliksik.
7. Ang mananaliksik ay maaari lamang magsumite ng hanggang dalawang abstrak—isa para sa indibidwal at isa para sa grupo.
Ipadala ang panukalang papel-pananaliksik sa https://bit.ly/ICLE-Filipino o https://bit.ly/ICLE-English . Ang huling araw ng pagsusumite ng abstrak ay sa 𝟭𝟱 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟰.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino at Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika 2024.