Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po ay isang 32-years old mommy ng isang 3-years old toddler, Aiza Lisoza, naninirahan sa isang subdivision dito sa Valenzuela City.
Noong nakaraang tag-init, naging problema ko ang ubo, at bungang araw ng anak ko, ang naging solusyon ko ay katuwang ang Krystall Herbal Oil.
Kamakailan naman nabiktima ng kabag ang anak ko mula sa alimuom mula sa biglang pag-ulan sa gitna ng mainit na panahon.
Nagulat po ako na biglang nag-iiyak ang anak ko, akala ko nga po ay natakot sa ulan pero nang hindi tumitigil hinawakan ko ang tiyan na naninigas po talaga.
Ang ginawa ko po agad kong hinaplosan ng Krystall Herbal Oil ang tiyan ng anak ko, pabilog tapos palabas sa kaliwa at kanan, paulit-ulit po hanggang maramdaman kong lumambot na ang kanyang tiyan, pero patuloy pa rin po ang paghahaplos ko sa likod ganoon din sa mga braso at binti. Ay talagang hindi ko po tinigilan hangga’t hindi umiigi ang kanyang pakiramdam.
Halos dalawang oras ko siyang hinaplosan ng Krystall Herbal Oil hanggang maramdaman ko na nagpapawis na siya. Hinayaan ko muna magpawis, tapos pinunasan ko ng tuyong tuwalya, saka pinalitan ng damit. Maya-maya po, nanghingi ng dede (milk) tapos natulog na.
Hindi ko po talaga iniwanan ang baby ko hanggang nakita ko na kahit natutulog biglang ngumingiti, doon lang po ako napanatag.
Hay, hindi ko po talaga alam kung ano ang gagawin ko kapag walang Krystall Herbal Oil.
Maraming salamat po, Madam Fely, kasi hanggang ngayon Krystall Herbal Oil po talaga ang lagi naming kasamang mag-ina.
AIZA LISOZA
Valenzuela City