Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Malagkit na pawis dulot ng mainit na panahon, banas, at alinsangan pinagagaan ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Gusto ko lang i-share sa inyong mga tagasubaybay kung wala pa kayo sa bahay at grabeng alinsangan na ang nararamdaman at tila hindi na makatiis sa pagkabanas, pilitin ninyong makapunta sa mga lugar na may maayos na comfort rooms like malls or hotels para magpunas ng Krystall Herbal Oil — iginagarantiya ko sa inyo na matatanggal ang pagkabanas at gagaan ang inyong pakiramdam.

         Ako po si Estrella Torres, 49 years old, kasalukuyang naninirahan sa Pasay City.

         Kami po ay lima sa bahay. May airconditioning unit naman kami, pero dahil nagtitipid kami sa koryente, after lunch ay nagpupunta na kami sa mga mall na malapit sa amin para samantalahin ang lamig.

         Pero isang beses po, dahil puno ang mga mall na malapit sa amin, nagpunta na kami bandang Las Piñas. Pero bago pa man kami makarating sa mall, bumigat na ang pakiramdam ko, lagkit na lagkit na ako, at banas na banas.

         Ang ginawa ko naghanap ako ng comfort room, naghilamos ako at naghugas ng aking mga braso, pati leeg. At pagkatapos ay pumasok na ako sa cubicle at doon ay naghaplos nang naghaplos ako ng Krystall Herbal Oil sa aking dibdib, sa aking tiyan, sa aking mga braso, batok, leeg, mga binti hanggang sa paa. Hinintay ko munang ma-absorb ng skin ko ang Krystall Herbal Oil saka ako lumabas sa CR at naglamyerda na sa mall.

         Masasabi kong malaking tulong ang paghahaplos ko ng Krystall dahil hindi ako nanlagkit kasi kapag pinawisan hindi didikit sa balat ang pawis parang napapagpag agad kasi nga may proteksiyon na herbal oil.

Simula noon, tuwing lalabas kami, ay nagbabaon na ako ng Krystall Herbal Oil bilang proteksiyon laban sa banas at alinsangan ng panahon.  

         Sis Fely, napakalaking bagay talaga ng Krystall Herbal Oil sa kahit anong panahon.

         Maraming, maraming salamat po sa napakahusay ninyong imbensiyon. 

ESTRELLA TORRES

Pasay City 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …