Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal oil Fur-baby Dog

Fur-baby hiyang din sa Krystall herbal oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Owen, isang fur-parent, senior citizen, at kasalukuyang naninirahan sa Baguio City.

         Nais ko lang pong i-share ang benefits ng Krystall Herbal Oil sa akin at sa aking mga alaga. At pati na rin ang Krystall Nature Herbs.

         Dito po sa Baguio, kahit malamig, may panahon rin na umiinit, pero hindi kasing init na nararamdaman ngayon sa ibang bahagi ng bansa. At ‘yang mga estado ng panahon na ‘yan ay nakaaapekto maging sa ating fur-babies.

         Bilang fur-parent, alaga kong ihaplos ang Krystall Herbal Oil hindi lamang sa sarili ko lalo na kapag nanakit ang mga kasu-kasuan, kundi maging sa aking mga alaga.

         Makikita po ninyo riyan sa picture kung gaano kaginhawa ang mga fur-baby kapag nahahaplos ng Krystall Herbal Oil. Kaya nga sabi ko, hindi lang para sa tao ang inyong ‘miracle oil’ kundi maging sa mga fur-babies din.

         Naniniwala ako na ang ginhawa kong nararamdaman kapag inihahaplos ko ang Krystall Herbal Oil sa aking sarili ay ganoon din ang nararamdaman ng aking mga fur-babies.

         At ang Krystall Nature Herbs naman ay iniinom ko kapag masyadong malamig at naginginig na ang aking baba sa lamig hehehe. Nagagamit ko rin po itong panlahok o ingredients sa mga gulay na iniluluto ko.

         Kakaiba talaga sa husay ang mga imbensiyon ninyo Sis Fely. Nawa’y huwaga kayong magsawa sa pagpapaunlad ng inyong mga produkto.

         God bless po.

OWEN

Baguio City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …