Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder
Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Una, magandang araw po sa inyong lahat; pangalawa maraming salamat po sa inyong walang sawang pagse-shre ng inyong mga kaalaman sa inyong kolum sa HATAW D’yaryo ng Bayan, at sa live streaming ng inyong programang Kalusugan Mula Sa Kalikasan sa DWXI 1314 AM.

         Ako po si Arlene delos Angeles, 54 years old, retiradong manggagawa sa isang undergarments factory, naninirahan sa Parañaque City.

         Nais ko pong i-share ang experience ko nang ako’y magkaroon ng frozen shoulder. Dahil mayroong health insurance ang anak ko sa ilalim ng health management organization (HMO) ako po ay kanyang ipina-therapy.

         Ay napakasakit pong talaga. Diniinan ng maingay na machine ang aking balikat at likod. Nawala naman po ang frozen shoulder pero after two months ay nagbalik na naman.

         Labis na po akong nag-aalala kasi iniisip ko baka may problema ako sa spine. ‘Yung po kasi ang madalas kong naririnig, kapag may frozen shoulder na, posibleng may cervical issues na.

         Pero isang araw, bumisita ang isang kumare ko, galing daw siya sa VM Tower at doon nagpabomba ng kanyang lingkod  para mabalanse ang init at lamig sa kanyang likuran at bumili rin ng Krystall Herbal Oil . Sabi niya, natutuhan niya sa inyo na ang labis na sakit sa braso at likod ay dahil sa hindi balanseng Yin at Yang sa loob ng ating katawan o o mismong sa sistema natin.

         At ‘yun nga niyaya niya ako. Pero habang naghihintay kami ng aming schedule, ibinigay niya sa akin ang isang Krystall Herbal Oil, at sinabing iyon muna ang ihaplos ko sa aking likuran mula sa balikat, pababa sa bewang.

         Dahil doon, inimporta ko ang isang pamangkin ko para makatulong sa paghahaplos ng Krystall Herbal Oil sa aking likuran. Medyo hindi ako nasiyahan kasi parang walang natanggal na lamig sa likod. Kaya kinabukasan, tinawag ko ang isang kaibigan ko at siya ang tinuruan ko kung ano ang gagawin.

         Ginagawa ko ang paghahaplos, after kong mag-shower before bedtime. Tapos ‘yan magpapahaplos na ako ng Krystall Herbal Oil sa balikat at sa likod, 15 to 25 minutes. 

         After 2 days, muli kong naramdaman na lumuwag na ang pakiramdam ng likod ko at balikat. Inobserbahan ko pa nang isang linggo, gumaling na talaga nang tuluyan.

         Ibang klase po talaga ang imbensiyon ninyo Sis Fely Guy Ong.

         Maraming salamat po sa inyong mga pagsisikap na makapaghatid ng kagalingan para sa amin.

         God bless po.

ARLENE DELOS ANGELES

Parañaque City   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …