Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong

         Magandang araw po sa inyong lahat.

         Ako po si Ryza Centeno, 37 years old, isang BPO worker, residente sa Quezon City.

         Last month po ay naging problema ko ang makakating butlig sa aking ulo na kapag kinamot ko ay nagsusugat at parang may lumalabas na liquid. Akala ko nga po rumbo-rumbo na dahil sa mainit na panahon, mabuti na lang po hindi.

         Ang sabi po ng derma, baka raw dahil sa puyat, dahil sa gabi ako nagtatrabaho. Pagkatapos araw-araw akong nagsa-shower ng hair, at pumapasok na hindi masyadong napupunas ang anit. 

         Pero dahil mayroon nang mga sugat, niresetahan ako ng shampoo at ointment. Mga two weeks ko rin pong ginamit, pero parang walang nagbago. Sabi ng nanay ko, Krystall Herbal Oil ang gamitin ko. I-apply ko raw after ko mag-shower at kapag medyo malapit nang matuyo ang hair at ang anit.

         Sa madaling sabi po, tinutulungan ako ni nanay na mag-apply ng Krystall Herbal Oil sa aking ulo. Pagkatapos malagyan lahat ng sugat, parang kakaiba ang naramdaman ko. Gumaan agad ang ulo at nawala ang  pangangati. Pagkatapos, after two days, kusang natatanggal na parang dry skin ang natuyong sugat kapag sinusuklay ko.

         Sabi ko nga, “thank God, na-relieve talaga nang husto ang ulo ko. Hindi na ako kamot nang kamot.”

         Maraming salamat po talaga Madam Fely, kasi ang laking tulong na panatag ang aking pakiramdam.

         ‘Wag po kayong magsawa sa pagtuklas ng mga bagong imbensiyon. God bless po.

RYZA CENTENO

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …