Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Benito Linsangan, 62 years old, isang tricycle driver, kasalukuyang naninirahan sa Valenzuela City. Dati po akong overseas Filipino worker (OFW), nakapagpundar nang kaunti, kaya nang magretiro ako, pagta-tricycle na ang ginawa kong hanapbuhay.

         At sa pagiging tricycle driver ko nga po, gusto kong i-share ang malaking tulong na nagagawa ng Krystall Herbal Oil sa aking mga paa.

         Nagkaroon po kasi ako ng mga sugat sa paa dahil siguro sa sobrang init. Para po siyang namumutok na balat, makati sa umpisa kapag nakamot ko e nagsusugat na. Nagpatingin na rin ako sa dermatologist, nagreseta ng gamot, pero kahit gumagaling, bumabalik pa rin. Sabi ng anak ko baka allergies daw, pero sabi ng doktor baka nga raw sa init mula sa init ng tricycle.   

         Isang kaibigan ko ang nagsabi na i-try ko raw ang Krystall Herbal Oil kaya agad kong sinubukan. Nakita ko rin ang Krystall Soak Powder kaya ang ginawa ko po, ibinabad ko muna ang paa ko sa maligamgam na tubig na mayroong Krystall Soak Powder, pagkatapos ay tinuyo ko ng malinis na pamunas at noong medyo malapit nang matuyo saka ko nilagyan ng Krystall Herbal Oil.

         Medyo walang pagbabago sa una at ikalawang araw, pero noong ikatlong araw napansin ko, kusang natutuyo ang mga sugat at kapag hinilod ko ay parang libag na lang na natatanggal. May naiiwan pang marka o peklat pero sa loob ng dalawang lingo, nabura na rin pati ang peklat.

         Sobrang bumilib po talaga ako sa Krystall Herbal Oil at Krystall Soak Powder, napakahusay po talaga!

         Maraming salamat po Sis Fely dahil sa inyong mahusay na imbensiyon, nalutas ang problema ko sa mga sugat sa aking paa.

         God bless po.

BENITO LINSANGAN 

Valenzuela City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …