Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Peleges sa noo nabanat ng Krystal Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyo Sis Fely & staff.

         Ako po si Estrellita Ignacio, 62 years old, tubong Tondo, Maynila.

         Gusto ko lang pong i-share ang aking satisfaction at katuwaan sa paggamit ng Krystal Herbal Oil bilang facial and skin protection at the same time ay pang-relaxation kapag ako’y nagpapa-massage.

         Hindi po ako nagpapalagay ng oil na ginagamit sa massage parlor, ‘yan pong Krystall Herbal Oil ang dinadala ko para gamitin nila sa akin.

         Alam po ba ninyong hindi naman ako dati maarte  o metikuluso sa aking itsura pero 10 years ago, may bumati sa akin na bakit daw ang tanda ko tingnan at bakit ang dami ko nang peleges sa noo. Mukha na raw akong 70 years old, e that time ay 52 years old lang ako.

         Bigla po tuloy akong napatingin sa salamin at noon ko na-realize, oo nga, ang dami nang guhit ng noo ko. Sumubok po ako ng iba’t ibang sabon at cream pero nag-allergies lang ako, meron pang time na nag-dry ang facial skin at laging nangangati. Until one day, nakita ko ang Krystall Herbal Oil na gamit ng tiyahin kong 65 years old noon at mukhang mas bata siya sa akin.

         Ipinaliwanag niya sa akin kung paano gagamitin ang Krystall Herbal Oil. Mag-wash daw ako bago matulog tapos i-apply ang Krystall Herbal Oil sa paa, sa kamay, sa mga daliri, at sa aking mukha. I-massage ko raw ng 15 minutes, tiyagain ko raw, hanggang maramdaman ko na na-absorb na ng skin ang Krystall Herbal Oil.

         Almost 8 years na po akong gumagamit ng Krystall Herbal Oil, at tingin ko po ay bumagal ang aking pagtanda. May nagsasabi na mukhang late 40s lang ako, ‘yung iba naman early 50s, pero sa totoo lang I’m 62 years old na.

         Thank you so much, Sis Fely, dahil sa inyong imbensiyon, ako ay nagmukhang bata at laging relax ang buong katawan.

         Mabuhay po kayo and may God bless you even more.

ESTRELLITA IGNACIO

Tondo, Manila 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …