Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Arthritis ni Inang payapa sa Krystall Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyong lahat.

Ako po si Susana Biglang-Awa, 48 years old, mananahi, naninirahan sa Bustos, Bulacan.

         Nais ko pong i-share ang napakagandang karanasan ng aming pamilya sa Krystall herbal products na inyong mga imbensiyon, lalo na po ang Krystall Herbal Oil.

         Bilang mananahi po, hindi na po nakapagtataka kung maaga man akong makaranas ng pamimitig sa aking mga daliri sa kamay at sa mga muscles ng aking paa. Sabi nga, lahat ng mga breadwinner at nag-aasikaso pa ng mga gawaing bahay ay hindi nakapagtatakang ‘overworked’ ang mga kamay.

         Pero mula po nang makilala ko ang Krystal Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6, napakalaking ginhawa po ang naranasan ng aking mga kamay.

         Pagkatapos ko pong maligo sa umaga at bago pumasok sa trabaho, naghahaplos na ako ng Krystall Herbal Oil at ito na rin po ang ginagawa kong parang lotion. Inihahaplos ko po sa loob ng 15 minutes hanggang maramdaman kong parang na-absorb na ng skin ang herbal oil.  Ganoon din po ang ginagawa ko pagkauwi ko, pagkatapos ng lahat ng gawain at bago matulog, naghahaplos na naman ako sa aking mga kamay at binti. Habang ang Krystall Vit, B1B6 ay tine- take ko naman after lunch.

         Pero ang higit po akong natuwa ay nang ihaplos ko ang Krystall sa aming Inang na 75-anyos na. Hindi naman paladaing si Inang, pero makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha kapag may kumikirot sa kanyang mga kamay at paa. Pero nang ihaplos ko sa kanya ang Krystall Herbal Oil, aba’y tuwang-tuwang dahil naibsan daw ang pamimitig ng kanyang mga daliri sa kamay gayondin sa mga muscles niya sa paa.

         Simula po noon ay muli ko nang nakikitang nagsusulsi at nagbuburda si Inang ng kanyang mga panyolito. Ay opo, malinaw pa ang mga mata ni Inang dahil kaya pa niyang magsuot ng sinulid sa karayom.

         Kaya kami po ng aming pamilya’y lubos na nagpapasalamat sa inyo Sis Fely dahil sa napakahusay ninyong imbensiyon.

         Patuloy po kayong ingatan at pagpalain ng Panginoon.

SUSAN BIGLANG-AWA

Bustos, Bulacan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …