Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

62-anyos fatty liver patient, tiyan lumambot sa Krystall Herbal Oil at K Nature Herbs

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Brigida Hizon, 62 years old, kasalukuyang naninirahan sa Pasay City.

         Batay po sa mga resulta ng aking lab test at ultrasound, ako raw po ay may fatty liver. Pinayohan ako ng mga doktor na bawasan ang pag-inom ng kape, ng alcohol o alak (kung ako man ay umiinom), mamantika at matatabang pagkain, at moderate lang daw po sa pagkain ng kanin at tinapay. Natawa nga po ako, kasi sinong Pinoy ba ang hindi mahilig sa kanin at tinapay?

         Pero gusto ko pa pong humaba ang aking bahay, kahit siguro mga 20 years pa, kaya sinusunod ko ang payo ng doktor. Sa kabila nito, may panahon na feeling bloated pa rin ako.

         Minsan po habang nagsisimba ako sa Baclaran, nakita ko ang isang ale na naghahaplos ng kanyang tiyan sa bandang kanan habang nagrorosaryo. Naririnig ko sa usal niya na may fatty liver din daw siya. Kaya po nang matapos ang kanyang pagdarasal kinausap ko siya.

         Sabi niya, mahigpit ang bilin ng doktor sa kanya, kasi baka raw magka- cirrhosis siya kapag hindi naging mahigpit ang disiplina. Itinanong ko kung ano ang ipinapahid niya sa kanyang tiyan habang nagdarasal. Sagot niya, “Naku Sis, Krystall Herbal Oil ‘yun. Dati mas malaki pa rito ang tiyan ko, saka matigas, ngayon nga e lumiit na at malambot na.”

         Aniya, napakinggan daw niya sa livestream ng programa sa radio ang mga patotoo na maraming naitutulong ang Krystall Herbal Oil sa mga pangkaraniwang sakit at masamang pakiramdam. Bumili raw siya ng Krystall at sinubukan niyang ihaplos sa kanyang kanang tiyan. Sa unang tatlong araw ay wala siyang kakaibang naramdaman pero noong ikatlong araw, naramdaman niyang parang gumaan ang kanyang tiyan at hindi na nakararamdam na parang may kabag. Siya raw po si Sis Letty at itinuro niya sa akin kung saan makabibili ng Krystall Herbal Oil, sabi niya samahan ko na rin daw ng Krystall Nature Herbs.

         Sa madaling sabi, ako po’y nakabili na at ngayon ay inihahaplos ko na rin sa aking tiyan ang Krystall Herbal Oil. Iniinom ko rin ang Krystall Nature Herbs, two hours after meal, para ma-washout ang mga hindi dapat manatili sa aking liver.

         Sa loob ng dalawang linggong paggamit ko ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herb, nawala po ang pakiramdam kong bloated palagi, at ‘yun nga, lumambot ang tiyan ko, hindi gaya dati na parang matigas.

         Nararamdaman ko rin po na nakatutulong ang Krystall Nature Herbs, kasi kapag pumopoo ako parang malangis at may dark green na kasama. Sabi nila, nalilinis daw ang bile ko kapag ganoon.

         Ako po’y naniniwala na ang mga karamdaman ng bawat tao o nilalang ay may itinuturo sa ating wisyo. Pero sabi nga, kahit magpunta pa sa pinakamahal na doktor at mag-take ng pinakamahal na gamot kung tayo ay hindi humihingi ng tulong sa Diyos, balewala lahat iyon.

         Ako po’y naniniwala rin na ang pagkakatuklas ko sa Krystall herbal products ay tugon sa aking panalangin kasabay nito ay pagtuturo rin sa akin ng tamang disiplina — sa pagkain at mga gawi sa buhay.

         Kaya naman, ako’y lubos na nagpapasalamat dahil natunton ko ang inyong napakahusay na imbensiyon. Maraming, maraming salamat po Sis Fely, at nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Dakilang Manlilikha para makatulong pa sa maraming nangangailangan.

         God bless po.

BRIGIDA HIZON

Pasay City     

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …