Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Mananahing sub-con masaya sa resulta ng pagtitiwala sa Krystall herbal products

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Isang mabungang unang araw ng Lunes sa buwan ng Marso Sis Fely.

         Ako po si Josefina Sta. Maria, 56 years old, naninirahan sa Pandi, Bulacan, dating garment factory worker pero ngayon ay nagsa-sub-con ng pagtatahi ng mga undergarments.

         Nais ko pong ibahagi ang aking magandang karanasan sa paggamit ng Krystall Herbal Oil — isang magandang karanasan na nakatulong nang malaki sa aking araw-araw na pamumuhay.

         Noong hindi ko pa alam na mayroon palang Krystall Herbal, hindi ko natatapos ang aking mga dapat tahiing undergarments, lagi kasing nananakit ang aking mga daliri, hirap na hirap akong ibukas at isara. Kapag nakabukas na, hindi ko naman maibaluktot ang aking mga daliri kasi nga matindi ang sakit na nararamdaman.

         Lagi ko itong idinaraing kaya naman binawasan ang bilang ng mga ipinatatahi sa akin ng sub-con. Sabi ko nga ‘wag na bawasan kasi ‘yan na lang ang inaasahan kong dagdag kita, lalo na ngayon.

         Isang araw ng Linggo, hindi sinasadyang nagkita kami ng dati kong katrabaho sa Taguig sa simbahan. Nagulat ako kung bakit nandoon siya. Nakalipat na raw sila sa isang subdivision sa kalapit na bayan at sila’y namamasyal sa Pandi. 

         E ‘di, nagkayayaang kumain at ‘yun nga kasama sa kuwentohan ang araw-araw na pamumuhay kabilang na ang mga kirot, aray, at kung ano-anong maintenance medicines.

         Nang mabanggit ko ang tungkol sa aking mga dalilri, ang sabi niya, gumamit ako ng Krystall Herbal Oil at uminom ng Krystall Vit. B1B6.

         At dahil mayroon siyang dalang Krystall Herbal Oil, at Vit. B1B6, ibinigay niya sa akin, at pinayohan akong mag-like sa FGO at Fely Guy Ong Facebook page para roon ko malaman kung paano umorder.

Sabi niya, pakinggan ko rin doon ang live streaming ng inyong programa sa radio.

         Wala pong pagdadalawang-isip na sinunod ko ang payo ng aking dating kasama sa trabaho, lalo ang paghaplos sa aking mga kamay at mga daliri ng herbal oil sa loob ng 15 to 20 minutes.

         Sabi ng dating co-worker ko, “tiyagain mo ‘yang paghahaplos at madali mong mararamdaman ang benepisyo.”

         Naku, Sis Fely, kinabukasan paggising ko, hindi na maganit ibukas ang aking mga kamay at nawala ang nararamdamang kirot.

         Hanggang ngayon po, tuloy-tuloy ang ginagawa kong paghahaplos ng Krystall Herbal Oil, hindi lang sa aking daliri kundi maging sa aking mga paa.

         Maraming, maraming salamat po Sis Fely, nawa’y puspusin pa kayo ng biyaya ng Poong Maykapal.       

Sumasainyo,

JOSEFINA STA. MARIA

Pandi, Bulacan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …