Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Asthmatic na businesswoman pinaginhawa ng Krystall products,

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

Magandang araw po sa inyong lahat.

Kapansin-pansin na nagpapalit na naman ang klima, kahit Pebrero pa lang, ramdam na natin ang tag-init, lalo na po sa isang asthmatic na gaya ko.

Ako nga po pala si Ynah de Guzman, 38 years old, isang small scale entrepreneur. Dati po akong overseas Filipino worker (OFW), single pa ako noon at sa abroad kami nagkakilala ng husband ko. He is 45 years old now.

Pareho po kami ng pangarap, mag-ipon at sa Filipinas magpamilya, hindi na mag-o-OFW kapag may asawa’t anak na. Nagkasundo kami sa pananaw na hindi dapat maghiwa-hiwalay dahil sa kabuhayan. May namumuhay na masagana habang ang breadwinner ay kayod-kalabaw at nangungulila kaya natutuksong  maghanap ng ‘ligaya’ sa mga kapwa-OFW na may naiwan na pamilya dito sa atin.

Kaya after 10 years ng pagiging OFW (from 22 to 32 years old) ay nag-decide na akong umuwi. Hindi ko akalain na susunod pala ang hubby to be ko noon. Siya naman ay almost 15 years nagtrabaho sa Middle East.

To make the long story short, namanhikan siya at kami ay nagpakasal, simpleng kasal lang po,  at ngayon nga po ay five years na kaming nagsasama at nagpapatakbo ng sariling business. Online selling, habang siya naman ay nasa transportation network vehicle services (TNVS) at nakakatulong ko rin sa delivery.

Sa tingin po ng iba, masyadong komportable ang buhay namin pero hindi nila alam, sinisipagan lang talaga namin.

At heto na nga po, dahil sa pagpapalit ng klima inatake na naman ako ng asthma. Mayroon pong prescribed na gamot ang doktor pero kapag tine-take ko po ay talagang pinapatulog ako kaya tengga lahat ng gawa sa bahay at sa negosyo.

Kaya sabi ko, hanap ako ng ibang pampakalma ng asthma. At noon ko po naalala ‘yung Krystall Herbal Oil na ipinadadala dati sa akin ng nanay ko. Naghanap po ako at nakakita sa Cubao. Sinabayan ko na rin ng Krystall Nature Herbs, at Krystall Vit. B1B6.

Ang laking ginhawa po ng Krystall Herbal Oil, ramdam na ramdam ko kapag ipinahahaplos ko sa likod at sa balikat, ganoon din po sa aking dibdib, sa braso, at sa binti. At dahil sobrang relaxing, hayun, nakakatulog ako nang mahimbing at nabawasan ang atake ng asthma.

Maraming, maraming salamat po Madam Fely, dahil malaking bagay sa aming pamilya (may dalawa na nga po pala kaming anak) ang ginhawang dulot ng Krystall Herbal

Oil, Krystall Nature Herbs, at Krystall Vit B1B6.

God bless po.

YNAH DE GUZMAN

Cubao, Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …