Friday , November 15 2024
Krystall Herbal Oil, Foot Cramps

Allergies sa paa pinahupa ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Leilalaine Esconda, 57 years old, single, naninirahan sa isang subdivision sa San Jose del Monte, Bulacan.

         Dati po akong overseas Filipino worker (OFW) na ngayon ay may kaunting ipon, kaya naisipan kong manirahan sa isang probinsiya na hindi malayo sa Metro Manila. Okey naman po ang buhay ko rito at nagpaplano akong magtayo ng maliit na boutique para kahit paano ay may income.

Dati po akong mahilig sa beauty products, pero matapos ang isang masamang karanasan, at natulungan ako ng  Krystall Herbal Oil, ay kinalimutan  ko na ang ‘bisyong magpaganda,’ at tinanggap ko na nang maluwag sa kalooban ang biyaya ng Panginoon.

Masama po ang naging karanasan ko sa huling beauty products na nagamit ko na ang sabi ay magpapaganda at magpapakinis ng aking mga paa. Kasi po, kahit anong foot spa, at paglo-lotion sa aking mga paa, ay talaga pong ang sama ng itsura. Mukha kasing luya tapos hindi makinis ang balat, parang laging may libag.

So sa madaling sabi po, gabi-gabi kong ibinababad sa nasabing beauty product ang aking paa tapos ay nilalagyan ng lotion na galing din sa kanila. After 2 days po ng paggamit ko, ang kati-kati ng paa ko at nagkaroon ng mga butlig-butlig na kapag pumuputok ay nagiging sugat. Bukod diyan, namaga po ang aking paa, namula at umumbok. Nakupo, grabe po talaga ang iyak ko.

         Hanggang isang kaibigan ang nagsabi sa akin na gamitan ko ng Krystall Herbal Oil pero bago ‘yun kailangan kong ibabad sa maligamgam na pinakuluang dahoon ng mga bayabas. Mga 10-15 minutes ang babaran pagkatapos ay tuyuin nang bahagya saka dampi-dampian ng Krystall Herbal Oil.

         Sabi ng friend ko, kapag sa tingin mo ay natutuyo ang oil at ina-absorb ng skin, magdampi ka ulit. Ginawa ko po iyon at ang una kong naramdaman ay nawala ang pangangati ng aking paa. Kinabukasan, nakita kong natutuyo na ang mga sugat. At eksaktong isang lingo, tuluyang humupa ang maga at pamumula.

         Pero kahit magaling na po ang allergies, tuloy-tuloy ko pong ginagamit ang Krystall Herbal Oil, hindi lang paa kundi maging sa siko at kili-kili. Napansin ko po, kumikinis ang paa ko at parang pumuputi ganoon din ang aking kili-kili.

         Ibang klase talaga ang nagagawa ng miracle oil ninyo Sis Fely. Maraming-maraming  salamat po sa inyong mahusay na imbensiyon.

         Pagpalain po kayo lagi ni Yaweh El Shaddai.

LEILALAINE ESCONDA

CSJDM, Bulacan

About Fely Guy Ong

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …