Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Rina Salvador, 53 years old, single mom, at kasalukuyang naninirahan sa Navotas City.
Actually, mayroon po akong asthma. At nitong nagkaroon ng vog na umabot sa Metro Manila, nadale po ako.
Halos isang buwan akong nagtiis na ako’y sinusumpong ng asthma hanggang sabihin sa akin ng isang kaibigan na subukan ko ang dala-dala niyang Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs.
Pagkainom ko po ng Krystall Nature’s Herbs tea, agad nawala ang tila mabigat na puwersang nakadagan sa aking dibdib.
At kasunod niyon, after ko maligo o mag-wash ng katawan, naghaplos ako ng Krystall Herbal Oil sa aking dibdib at sa likod, ganoon din sa aking tiyan at sa iba pang parts ng katawan na kailangang haplasan.
Aba, hindi pa ako natatapos maghaplos ng oil ay nakatulog na ako at napakahimbing, hanggang magising ako ng 6:30 am. Nakupo! Late na po.
Ganoon po kabisa ang epekto ng Krystall sa aking araw-araw na routine. Nakapahusay na imbensiyon.
Maraming salamat po Sis Fely.
RINA SALVADOR
Navotas City