Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Asthmatic na stranded sa baha nilibang ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Isang magandang araw po sa inyo at sa lahat ng inyong tagasubaybay.

Sa kabila ng nangyari sa amin kagabi, gusto ko pa rin manatiling positibo sa araw na ito sa mga susunod pa.

Ako po si Thelma Arquiza, 52 years old, naninirahan  sa Project 4, Quezon City.

Hay Sis Fely, grabeng stranded ang nangyari sa amin kagabi nang bumuhos ang malakas na ulan. Ninerbiyos na ako kasi akala ko aabutin kami ng baha sa loob ng sasakyan. Hindi naman, pero dahil sa baha, tumindi ang traffic, at hindi na umusad. Resulta nasa gitna kami ng kalye at napilitang magpatay ng aircon dahil baka maubusan kami ng gasolina, buti na lang wala kaming kasamang mga bata.

Sa maniwala kayo’t sa hindi, inabot kami ng isang oras at kalahati o halos dalawang oras nang hindi umuusad ang mga sasakyan.

         Nahihilo na ako at parang masusuka, pero pinipigil ko hanggang maalala kong may dala nga pala akong Krystall Herbal Oil.

         Hinaplos ko ang aking sikmura ng Krystall Herbal Oil, at ang aking sentido ay hinilot-hilot ko hanggang makaidlip ako. Hindi naman mainit pero naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko’y basang-basa ako ng pawis.

         At totoo nga, ako nga pala’y naliligo na sa pawis. Agad akong naglagay ng kitchen paper towel sa likod at nang matuyo ang pawis ay pinalagyan ko ng Krystall Herbal Oil sa aking kasama sa sasakyan. Nag-aalala ako na baka sumpungin ako ng asthma.

         Sa awa ni Yahweh El Shaddai, biglang umandar ang mga sasakyan at humupa na rin ang baha hanggang nakauwi na kami sa bahay nang walang nangyari o sumpong ng asthma.

         Malaking tulong talaga ang Krystall Herbal Oil, lalo na kapag nararamdaman kong parang aatakehin ako ng asthma kaya hindi ako nagpapawala nito sa aking bag, kahit saan ako magpunta.

         Maraming salamat Sis Fely, sa inyong napakahusay na imbensiyon. God bless po. 

THELMA ARQUIZA

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …