Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Retired nurse, enjoy na enjoy sa kanyang retirement sa piling ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Isang Magandang Lunes ng umaga po sa inyo Sis Fely.

               Isa po akong retired nurse, Manuelita Sison, 68 years old, single, ngayon ay nakatira sa Sta. Rosa, Laguna.

Kahit ako po’y matagal na nagtrabaho sa ospital, naniniwala pa rin ako sa kalusugan mula sa kalikasan. Kaya hindi po ako nahirating mag-take ng western medicines. Sabi nga ng mga kaibigan ko, hindi raw ako mukhang 60s na ilang taon na lang ay 70 years old na.

Wala rin po akong maintenance medicines. Normal ang aking vital signs. Basta paggising ko sa umaga umiinom po ako ng dalawang basong maligamgam na tubig. Pagkatapos po ay maglalakad sa loob ng 30- minutos. Pagbalilk sa bahay, iinom ulit ng 2 pang baso ng maligamgam na tubig saka mag-aalmusal.

At habang umiinom ng mainit na tsaa ay gagawin

ko na ang aking mga gawain sa bahay.

Pagkapananghali ay magsi-siesta ng 30 minutos hanggang isang oras. Pagkagising ako’y muling magtatsaa habang nagbabasa ng libro o journals o kung minsan ay nanonood ng pelikula.

               Nagdedebosyon din po ako tuwing 6:00 ng gabi, pagkatapos ay kumakain ng hapunan bandang 7:00 pm.

               Bago matulog sa gabi, after kong maglinis ng katawan ay naghahaplas ako ng Krystall Herbal Oil sa aking likod, sa braso, at sa aking paa hanggang talampakan. Kapag nakahiga na ako, naghahaplas naman ako sa aking mukha, sa ulo at sa sentido hanggang makatulog ako.

               At ‘yan po siguro ang sikreto kung bakit hindi ako mukhang 60 plus years old.

               Gusto kong sabihin sa inyong masusugid na tagasubaybay, na naniniwala akong malaking tulong sa aking kalusugan ang paggamit ng Krystall Herbal Oil.

               At ‘yan po ay ipinagpapasalamat ko sa inyo nang malaki at marami, nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon para patuloy kayong makatulong sa kalusugan ng maraming mamamayan.

Sumasainyo,

MANUELITA SISON

Sta. Rosa, Laguna  

P A A L A L A

MAGKAKAROON po tayo ng libreng seminar sa darating na September 27, 2023 araw ng Miyerkoles  na gaganapin sa VM Tower, 727 Roxas Boulevard, Baclaran, Parañaque City.  Magsisimula 1:00 pm hanggang 5:00 pm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …