Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Maliliit na pimples sa armpit tanggal sa Krystall Herbal Oil 

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Isa po akong delivery rider, Orlando Santos, 37 years old, naninirahan sa Las Piñas City.

         Bilang delivery rider, kailangan ko pong magsuot lagi ng long sleeves na t-shirt or jacket. Kung noong una ay naiilang ako, nitong huli ay hindi na, kumbaga nagamay ko na.

         Pagdating naman sa bahay after ng biyahe, para akong suman na tinatanggalan ng sapin-sapin na balot. Kaya ang tendency po, habang naghuhubad ako ng damit ay bigla akong nalalamigan at natutuyuan ng pawis. Kung hindi malakas ang resistensiya ko, tiyak na hika o pulmonya ang aabutin ko.

         Sa awa at tulong po ni Yahweh El Shaddai, hindi niya ako pinababayaan at namamantina ko ang aking kalusugan sa tulong na rin siyempre ng aking pamilya sa pangunguna ni misis.

         At alam po ba ninyo kung ano ang sikreto ni misis — e di ang miracle oil na Krystall Herbal Oil.

         Kabilin-bilinan ni misis, habang naghuhubad ako ng damit, maghaplas ako ng Krystall Herbal Oil sa katawan para hindi ako pasukin ng lamig.

         Kaya naman nakapagpapahinga pa ako ng 15 minutes bago magbanyo. Pero minsan, nagulat si misis nang makita niyang may maliliit akong butlig an mapupula sa armpit — hayun pimples na maliliit pala.

         Ang ginawa niya, pinahugasan maigi sa akin ang aking kilikili, sinabon ng anti-bacterial soap tapos pinatuyo saka dinampi-dampian ng Krystal Herbal Oil.

         Sabi niya itaas mo muna habang hindi pa naa-absorb ang miracle oil.

         Matagal na akong bilib sa Krystall Herbal Oil, pero lalo pa akong napabilib kasi magdamag lang natuyo ang mga pimples, kaya noong naliligo na ako, para lang libag na isa-isang natatanggal.

         Maraming salamat po talaga Madam Fely, kasi malaking tulong ang inyong mga imbensiyon sa aming kalusugan.

ORLANDO SANTOS

Las Piñas City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …