Saturday , November 16 2024
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ang bisa ng Lapu-Lapu

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

ANG bisa ng pesang Lapu-Lapu ay nagbibigay ng lakas sa ating katawan o sa mga tao na may sakit at ito ay mabilis magpahilom ng sugat lalo sa mga bagong opera at sa mga bagong panganganak.

               At ‘yan ay hindi alam ng marami sa atin.

Ayon sa mga Tsino, kinikilalang nagpatanyag ng natural healing libo-libong taon na ang nakalipas, ang Lapu-Lapu ang itinuturing na isdang may pinakamalakas ng resistensiya.

Ang pesang Lapu-Lapu ay nababagay ipakain sa mga taong mahihina ang resistensiya sa sakit, malalabo ang mga mata, may deperensiya sa tenga o bingi, sa babaeng bagong panganak, at sa mga pasyenteng ooperahan pa lamang o katatapos maoperahan.

Makatutulong ang pesang Lapu-Lapu para sa madaliang pagpapagaling ng sugat o tahi ng bagong inopera at ito ay nakapagpapalakas din ng daloy ng gatas ng bagong panganak na ina.

Ipakain ang pesang Lapu-Lapu sa maysakit o bagong panganak mga dalawa o tatlong beses sa isang linggo.

Pumili ng buhay na Lapu-Lapu na kulay itim o brown, at karaniwan ay may tuldok-tuldok na itim (dotted), hindi ‘yung pula. Kailangan buhay ang bibilhin na Lapu-Lapu dahil walang bisa kung lulutuin ito nang hindi buhay. Dapat ang iyong bibilhin ay may bigat  lamang na kalahating kilo ang isang piraso – kapag mas malaki pa riyan ay hindi na gaanong malakas ang isda.

Tandaan na ang lakas ng isdang Lapu-Lapu ang kailangan upang mapagaling at mapalakas din ang pasyente, kung kaya’t pinakamaiging piliin ang pinakamaliksing Lapu-Lapu sa pagbili nito.

Bago lutuin ang buhay na Lapu-Lapu, palanguy-languyin muna sa palangganang may tubig na may asin para matanggal ang hilo ng isda sa pagbiyahe o di kaya para hindi mahirapan sa pagluto nito ipaluto n’yo sa marunong magluto dahil itong isda na ito ay napakalakas, kahit na ito ay nasa loob na ng kaldero sa kumukulong tubig ay tumatalon-talon pa rin ang isda kaya dapat takpan itong mabuti.

Maaaring kaliskisan ang isda kung kakayanin ninyong gawin. Hindi rin dapat tanggalin ang mga laman loob at hasang.

PARAAN NG PAGLUTO:

* Magpakulo ng tubig sa kalderong malaki o mataas  (para hindi agad makatalon ang isda kapag kumawag-kawag sa loob)

* Ihanda ang hiniwang luya. Ilagay ito sa pinakukulong tubig. Ito ang mag-aalis ng lansa sa isda.

* Kapag kumukulo na ang tubig, ihulog ang Lapu-Lapu sa loob ng kaldero. (Tandaan: malikot at malakas ang buhay na Lapu-Lapu kung kaya’t dapat ay mahigpit ang iyong hawak dito upang huwag makahulagpos.

* Dahil buhay pa ang isda na iluluto, ito ay papalag sa loob ng kaldero – iyan ang sekreto ng bisa nito. Mapapaihi ang isda at ang ihi niya na mapupunta sa sabaw, kasama ang  katas ng kanyang laman-loob at hasang, ang magbibigay lakas at resistensiya sa inyo.

* Kapag tahimik at hindi na gumagalaw ang isda, maghiwa ng  dahon ng sibuyas at ibudbod sa nilulutong Lapu-Lapu.

* Lagyan ng asin ayon sa inyong panlasa.

Kainin ang laman at higupin ang sabaw. Sa loob lamang ng ilang araw na pagkain ng pampalakas na isdang ito, tiyak ay babalik agad ang inyong lakas at kalusugan.

About Fely Guy Ong

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …