Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Teresa “Tates” Villamayor, 49 years old, kasalukuyang naninirahan sa Mexico, Pampanga, at nagtatrabaho bilang part time helper sa isang bakery.
Ininda ko po itong nakaraang pananalasa ng Egay at Falcon dahil grabe kaming nasalanta dito sa aming lugar.
Ininda namin ang ubo’t sipon na dala ng bagyo. Mabuti na lang po at nandito ang pamangkin kong nagtatrabaho sa Maynila at siya ang nag-asikaso sa amin. Hindi rin naman siya makaluwas kasi nga po grabe ang bagyo.
Nagulat ako, kasi sa pagsisimula pa lang ng ubo’t sipon namin ay pinainom na niya kami ng Krystall Nature Herbs, Krystall Yellow Tablets, at panay ang haplos ng Krystall Herbal Oil. Tinuruan din niya kaming magsuob para hindi na lumala ang ubo at sipon.
Sa loob po ng tatlong araw na pag-alalay sa amin ng Krystall herbal products like nature herbs, yellow tablet, at ang napakahusay na herbal oil, ramdam talaga namin ang “tunay na alaga” kaya siguro mabilis kaming gumaling.
Kaya naman po, ako at ang aking pamilya ay nagpapasalamat sa inyo Sis Fely, ganoon din sa aking pamangkin na inyong masugid na tagasubaybay ng inyong programang Kalusugan Mula sa Kalikasan thru live streaming, at ng kolum Ninyo sa HATAW D’yaryo ng Bayan.
Mabuhay po kayo at hangad naming ang patuloy na pagpapala sa inyo ng Diyos.
Muli, maraming salamat po!
TERESA “TATES” VILLAMAYOR
Mexico, Pampanga