Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Ngayong tag-ulan
PULIKAT AT ALIPUNGA TANGGAL SA KRYSTALL HERBAL OIL AT SOAK POWDER

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako si Joselito Mariano, 64 years old, delivery rider, naninirahan sa Rodriguez (Montalban), Rizal na laging sinasalanta ng pagbaha.

         Sa edad kong ito, marami ang nagsasabi na mukhang malakas pa ako dahil kaya ko pang maging rider.

         Ang sa akin naman po, kaysa tumunganga sa pagreretiro bilang jeepney rider at grab driver e mas mainam nang mag-delivery rider.

         Hindi ninyo naitatanong, ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay human WAZE, kaya kahit paano kumikita po ako ng kainaman sa pagde-deliver kasi hindi po ako kayang ‘lokohin’ ni WAZE na kung saan-saan pinadaraan.

         Anyway, ang gusto ko pong i-share ay nang makaranas ako ng matinding pulikat at alipunga dahil sa maghapong pagde-deliver sa panahong panay ang buhos ng ulan at paglusong sa baha.

         ‘Yun na nga po, hindi ko talaga alam ang gagawin ko nang pulikatin ang kaliwang binti ko habang nasa biyahe. Buti na lang nakatabi agad ako sa kombinyenteng lugar.

         Bigla kong naalala ang pabaon ni misis — ang Krystall Herbal Oil. Agad kong, hinaplos ng Krystall ang aking kaliwang binti hanggang mawala ang paninigas. After kong mai-deliver ang mga items umuwi na po ako, kasi nakararamdam ako ng grabeng kati at hapdi sa aking paa at talampakan.  Ibig sabihin, damage na po ang daily income at entrega ko kay misis.

         Nag-message ako kay misis kaya pagdating ko naka-prepare na ang maligamgam na tubig na pinakulo sa dahon ng bayabas at may asin. Hinugasan ko ang aking mga paa gamit ang anti-bacterial soap, pagkatapos ay binanlawan ko ng maligamgam na tubig na inihanda ni misis. Pagkatapos noon ay mga 15 minutes kong ibinabad sa Krystall Soak Powder. After 15 minutes, pinunasan ko, then nilagyan ko ng Krystall Herbal Oil ang mga sugat (alipunga).

         Nang gabing iyon, nakatulog ako nang mahimbing. Walang pulikat at walang pangangati at hapdi ng alipunga.

         Ibang kalase talaga ang produktong KRYSTALL ng FGO!

         Kinaumagahan, may nakita pa akong maliliit na sugat dahil sa alipunga pero malaking porsiyento ang tuyot na at halos libag na lang nang maghaplos ako ng Krystall Herbal Oil.

         Maraming salamat po talaga Sis Fely. Dahil ang  mga produktong Krystall ay nakatutulong nang  malaki sa aming kalusugan.

         God bless po at nawa’y bigyan ng pagpapalang siksik, liglilg ni Yahweh El Shaddai.

Sumasainyo,

JOSELITO MARIANO

Rodriguez (Montalban) Rizal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …