Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Retired casino employee, kontentong  namumuhay sa farm house kasama si misis at ang Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         I am a retired casino employee, 62 years old, at ngayon po ay sumusubok na mamuhay sa isang farmhouse dito sa isang bayan sa Bulacan na malapit lang naman sa Metro Manila — ako po si Raul Sanchez.

         Noong araw, akala ko po kapag nagretiro ako sa  pagka-casino ‘e mamumuhay ako sa isang posh condominium na matatagpuan sa isang posh community within Metro Manila.

         Pero, five years before my retirement, na-realize ko po na mas mainam na magretiro sa isang farm house  kaya napagdesisyonan kong bumili ng farm lot. ‘Blessing in disguise’ po ang pandemya kaya mas lalo kong napagdesisyonan na manirahan sa bukid.

         Matagal po ang naging diskusyon namin ni misis, lalo’t iniisip niyang nasa ibang bansa ang tatlong anak namin at wala kaming makakasama sa isang lugar na maikokonsiderang kami ay ‘dayo.’

         My better half  is a certified city girl.

         Kaya ang sabi ko sa kanya, malapit lang naman ang Maynila. Sinabi ko rin sa kanya, na huwag siyang mag-alala dahil ang babayaran lang naming utility ay koryente at internet. Nagpagawa kasi ako ng sariling source of water  lalo’t nabalitaan kong masakit sa ulo ang water provider sa nasabing lalawigan.

         Ipinagmalaki ko rin na nagmiyembro na ako sa isang kooperatiba para  ‘mapangalagaan’ ang maliit na retirement pension na matatanggap ko mula sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

         Sa huli, sumang-ayon na rin si misis habang sangkatutak na suhestiyon ang isinasalaksak sa aking isip.

         Sa rami ng kanyang alalahanin, tinawag ko siya at sinabing umupo at magpahinga muna. Masyado ‘ika ko siyang nae-excite.

         At habang nakaupo si misis, hinaplos-haplos ko ang kanyang balikat at ulo ng Krystall Herbal Oil.

Sabi ko sa kanya: Ito ang isa  sa magbibigay sa atin ng seguridad  — ang Krystall Herbal Oil na gawa ni Madam Fely Guy Ong. Ang Krystall Herbal Oil, ang mga payo, turo at sharing sa kanyang live streaming program na Kalusugan Mula sa Kalikasan  sa DWXI 1314 AM, at sa kanyang kolum na Back to Basic Nature’s Healing  sa HATAW D’yaryo ng Bayan.

         Halos dalawang taon na po kami rito sa farm house at sa awa at tulong ni Yahweh El Shaddai, namumuhay po kami  nang masaya at mapayapa.

         Maraming salamat po Sis Fely. Mabuhay po!

RAUL SANCHEZ

Bustos, Bulacan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …