Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil at Vitamins B1B6 kaagapay sa kalusugan ng 64-anyos negosyanteng may puwesto sa palengke

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyo Sis Fely at sa lahat po ng inyong tagasubaybay sa DWXI, HATAW, at online live streaming.

         Ako po si Carmelita Sulit, 64 years old, may maliit na puwesto sa isang palengke sa Quezon City.

         Marami ang nangsasabi na dapat daw ay magretiro na ako, at ipaubaya sa aking mga anak ang aking puwesto o kaya ay paupahan na lang kasi daw hindi ko mae-enjoy ang matagal ko nang pagpupundar.

         Ang sabi ko naman, kaligayahan ko na ang magtinda sa palengke at kapag tumigil ako, e baka magkasakit pa ako.

         Ako naman po’y hindi hirap sa pagtitinda, kasi’y may kasama kaming dalawang katuwang sa pagtitinda at pagbubuhat ng kung ano-ano. Matagal na rin sila sa amin, at katunayan, ang trabaho nila sa amin ang kanilang ikinabubuhay at ipinagpapaaral sa kanilang mga anak.

         Lagi ko kasing sinasabi sa kanila, napagtapos ko sa pag-aaral ang aking tatlong anak dahil sa pagtitinda kaya sikapin din nilang pagtapusin ang kanilang mga anak.

         Marami ang nagtataka kung bakit ako’y tila walang idinaraing sa aking katawan, pero ang totoo niyan mayroon naman akong nararamdamang pagsakit ng aking mga kasu-kasuan, hindi nga lang ako maingay at mareklamo.

         Hindi ko naman talaga kailangan magreklamo, kasi po lagi akong may stocks ng Krystall Herbal Oil at Krystall Vitamins B1B6.      

         ‘Yang dalawa pong ‘yan ang kaagapay ko sa aking araw-araw na pagharap sa buhay. Awa po ni Yahweh El Shaddai, wala akong hypertension, at sa edad kong ito’y walang maintenance medicines. At patuloy ko pong ipinagdarasal ‘yan.

         Araw-araw, bago matulog ay naghahaplas ako ng Krystall Herbal Oil. ‘Yan po yata ang nakatutulong kung bakit nare-relax ang aking blood vessels. At sa umaga naman pagkatapos mag-almusal ay nagte-take ako ng Krystall Vitamins B1B6.

         Lubos po ang aking pasasalamat Sis Fely na ako’y nagkaroon ng kaalaman sa kalusugan dahil sa pakikinig sa inyong programa sa DWXI at ngayon ay sa pamamagitan ng online live streaming.

         Huwag po kayong magsasawa dahil marami po kaming araw-araw na sa inyo’y sumusubaybay dahil bilib talaga kami sa inyong mga imbensiyon, at ganoon din sa mga payong pangkalusugan.

         Muli, maraming salamat po and mabuhay kayo!

CARMELITA SULIT

Balintawak, Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …