Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Mag-stock ng Krystall Herbal Oil, rekomendasyon ng senior people

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Arsenia Baticulon, 67 years old, nakatira sa Norzagaray, Bulacan.

         Nais ko pong i-share ang ginhawa at kabutihang dulot ng Krystall Herbal Oil sa aking kalusugan bilang senior citizen.

         Gaya po ng inaasahan, marami nang masasakit na kasu-kasuan ang isang senior citizen na kagaya ko. Ang tanging exercise ko ay ilang magagaan na gawaing bahay at 30 minutos na paglalakad sa aming lugar tuwing umaga.

         Pagkatapos ko pong maglakad, uupo pansamantla upang maghaplos ng Krystall Herbal Oil sa aking mga binti, saka maghahanda sa pagluluto ng aming tanghalian.

         Bukod po sa aking asawa, na matanda sa akin ng isang taon, ay may kasama kaming dalawang apo na dito nag-aaral, habang ang mga magulang nila ay nagtatrabaho sa Metro Manila.

         Ako naman po ay sanay sa gawaing bahay, pero nitong mga nakalipas na buwan, nakararamdam na ako na mabilis mapagod.

         Kung hindi ako makapaghahaplos ng Krystall Herbal Oil bago matulog, tiyak na paggising ko ay hirap na hirap akong ibukas ang mga palad ko. ‘Yun bang parang nakadikit ang tatlong daliri ko sa palad.

         Sa tulong ng Krystall Herbal Oil, Sis Fely, ang tila hindi ko maibukas na mga kamay, ay mabilis ko na ngayong naibubukas.

         Naibsan na rin ang pananakit ng aking kaliwang braso na dati’y nakararamdam ng pagkaipit ng ugat kapag nagkamali ako ng pagkilos.

         Ito pong Krystall Herbal Oil na gawa ninyo, ang tanging herbal oil na matatawag kong miracle oil dahil sa loob ng 30 minuto after maihaplos sa kahit saang bahagi ng katawan ay ramdam agad ang epekto.

         Kaya ang mungkahi ko po sa mga kapwa ko senior citizen — ‘wag na ‘wag po kayong mawawalan ng Krystall Herbal Oil. Ugaliin po ninyong mag-stock ng miracle oil.

         Muli maraming salamat po Sis Fely sa mahusay ninyong imbensiyon.

         God bless po.

ARSENIA BATICULON

Norzagaray, Bulacan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …