Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seafood entrepreneur na inaatake ng rayuma sa kaliwang braso nagpaaalalay sa Krystall Herbal Oil at Vit, B1B6

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Anastasia Federico, 56 years old, taga-Tanza, Cavite, isa po akong maliit na negosyante na humahango ng mga seafood, at itinitinda sa aking puwesto sa palengke. 

         Sa edad ko pong ito, naiintindihan ko po na ako’y mayroon nang nararamdamang mga pananakit sa mga kamay, paa, at daliri gayondin sa aking kaliwang braso na kapag napupuwersa ‘e talagang napapa-aringkingking ako sa sakit — ang sabi ng doctor ‘yun daw po ang rayuma.

         E minsan po’y hindi talaga maiiwasan na bigla kong ipang-aabot ng mga bagay na kailangan ko ang kaliwang kamay, e kapag napupuwersa kong abutin ‘e ayan na biglang maninigas at ‘yun na napakasakit.

         Minsan naman, may lamok na dumapo sa braso ko, pinalo ko, aba e, kumalambre ang braso ko sa sobrang sakit.

         Buti na lamang at laging nagbabasa ng kolum ninyong Back-to-Basic Nature’s Healing sa HATAW, at nakikinig sa inyong livestream program na Kalusugan Mula sa Kalikasan sa DWXI 1314, araw-araw, kaya alam na naming kung ano ang gagawin.

         Agad hinaplos ng Krystall Herbal Oil ng aking anak ang aking braso, at tinanong din ako kung may stocks pa ba ako ng Krystall Vit. B1B6, para regularly daw ay makainom ako.

         Alam ko pong ang problemang ito sa aking braso ay pangmatagalang paggagamot at disiplina sa pagkain, pero ang masasabi ko po, ang inyong mga produktong Krystall ay malaking tulong sa aking araw-araw na pagkilos at paghahanapbuhay.

         Kung wala ang Krystall Herbal Oil at Vit. B1B6, e baka hindi na ako makakilos at hindi na makapaghanabuhay.

         Muli ang aking pasasalamat sa inyo Sis Fely at sa napakahusay ninyong imbensiyon.        

         Pagpalain po kayo lagi ni Yahweh El Shaddai.

Lubos na sumasainyo,

ANASTASIA FEDERICO

Tanza, Cavite

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

DOST 12 SOCCSKSARGEN iHubs

DOST Strengthens Regional Startup Ecosystem Through the Rollout of iHubs Across SOCCSKSARGEN

AS part of its continuing efforts to strengthen the startup ecosystem across the country, the …

NHMFC BYC

NHMFC advances blockchain initiative to bolster transparency and housing finance securitization

The state-run National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) is taking a significant step toward strengthening …