Friday , February 28 2025
Krystall Herbal Oil

Solo mom na mahilig sa peanuts at iba pang kutkutin, temperature tumaas, iniligtas ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako si Sis Anna ng Dasmariñas, Cavite, 36 years old. Noong bata po ako ay napakahilig ko pong kumain ng mga mani, green peas, kornik, at mahilig din po ako uminom ng buko Juice. Noong nag-30 years old na po ako at nagkaroon ng dalawang anak, may kakaiba na po akong naramdaman sa lalamunan ko.

Ako po pala ay isang solo parent. Marami po akong part time jobs. Wala po kasi akong regular na trabaho sa ngayon. Sa gabi po, baby-sitter ako hanggang lunch time. Sa tanghali po kung wala akong labada ay nag-aasikaso naman po ako ng mga estudyante kong anak, Sa hapon po ay gumagawa naman po ako ng basahang bilog.

Ganito po ang routine ko araw-araw. Halos kaunti na lang talaga ang tulog ko, kaya pagdating ng hapon inaantok-antok ako kaya naghahanap ako ng makukutkot, panlaban sa antok.

Sobra pong init ng panahon kaya napadalas po ang pag-inom ko ng malalamig at madalas din po akong magkape.

Hanggang noong nakaraang buwan po nangyari ang hindi ko inaasahan. Tanghali po noon at kasalukuyan pong nagpapahinga kaya’t kumain na naman po ako ng mani, as in maraming mani.

Kinagabihan po, naramdaman ko na parang nagsara ang butas ng ilong ko dahil parang nahirapan akong huminga kasabay noon ay sumakit din ang dibdib ko at umiinit na ang temperatura ko.

Kumilos po ako agad at kinuha ko po ang Krystall Herbal Oil at naglagay po ako sa aking dibdib,  lalamunan, sa loob at labas ng ilong, kasabay po noon ay uminom po ako ng 5 yellow tablets at isang pack ng nature herbs. Nagpatuloy po ako sa paglalagay ng Krystall herbal oil hanggang mawala ang pananakit ng dibdib ko, naramdaman ko rin po na normal na ang paghinga ko sa ilong, dahil parang nagbara ho talaga.

Salamat po sa Diyos at hindi niya ako pinabayaan at maraming salamat po kay Sis Fely Guy Ong na nakaimbento ng Krystall herbal products. Lagi po kaming may stocks nito sa bahay at lagi kaming  nakikinig sa radyo para sa iba pang kaalaman.

Isa lang po ito sa aking mga testimony tungkol sa mga produkto ni Sis Fely Guy Ong. Mabuhay po kayo at pagpalain tayong lahat ng Diyos.

Salamat po.

Gumagalang,

ANNA MARRIE N. TARINQUE

Dasmariñas, Cavite

About Fely Guy Ong

Check Also

Betong kaisa ng Playtime sa pagpapaalala Maging responsable sa paglalaro

Betong kaisa ng Playtime sa pagpapaalala: Maging responsable sa paglalaro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MAGING responsable sa paglalaro. Hindi naman porke andito kami ay para …

Krystall Herbal Oil

Galing at husay ng Krystall Herbal Oil pinatunayan ng BPO worker sa kanyang officemates

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          “Ang naniniwala …

OFWs to get Tech-Based Business Boost with DOST’s iFWDPH Program

OFWs to get Tech-Based Business Boost with DOST’s iFWDPH Program

The Innovations for Filipinos Working Distantly from the Philippines (iFWDPH) program of the Department of …

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Masakit na tuhod pinayapa ng Krystall Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Rhen Escaño CC6 Online Casino FunBingo

Rhen Escano may paalala sa mga naglalaro ng CC6 at FunBingo

RATED Rni Rommel Gonzales NAG-RENEW ng kontrata si Rhen Escaño bilang endorser ng online gaming …