Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Freelance masseuse bilib sa extra-ordinaire Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po ay isang freelance masseuse o masahista/hilot dito sa Puerto Princesa. Ang ginagamit ko po ay alternative and organic oil. Maraming klase na ng oil ang nagamit ko sa pagse-service pero ang reklamo ng mga client ko, masyado raw messy kaya naghanap ako ng ibang oil.

         Minsan po, dumating ang pinsan ko from Manila at naglambing sa akin na i-massage ko siya. Tapos sabi niya, “may pasalubong ako sa iyo, magugustohan mo itong herbal oil na dala ko.”

         Nang magkita kami, excited niyang ipinakita ang herbal oil — KRYSTALL Herbal Oil ang nakasulat sa box. “O ‘yan pasalubong ko sa iyo,” sabi niya.

         Nang buksan ko po ang bottle, inamoy ko ang oil, hala ang bango, hindi ko maintindihan ‘yung  scent, pamilyar pero parang sobrang nakare-relax. Ibang klase po talaga.

         Lalo na no’ng minamasahe ko na ang pinsan ko, habang inihahaplos ko ang Krystall Herbal Oil sa kanya, nalalanghap ko rin ang amoy, kaya sabay kaming nare-relax at lalo akong nakapagta-transform sa kanya ng positive energy.

         Ang isa pa pong napansin ko, hindi messy ang Krystall Herbal Oil, kasi ina-absorb talaga ng skin. Noon lang ako nakakita ng oil na natutuyo sa skin ng tao. Talaga pong miracle.

         After ko pong i-massage ang pinsan ko, ang sabi niya, “kayo talaga ang tamang tandem ng Krystall, kasi magaling kang masseuse tapos extra-ordinary ang Krystall Herbal Oil, kaya ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Lahat ng pagod sa katawan ko nawala lahat.”

         Kaya po nang lumuwas na ulit ang pinsan ko, nagbilin ako na ibili ako ng Krystall Herbal Oil na gagamitin ko sa mga nagpapa-massage sa akin. Gusto ko rin i-share sa kanila ang extra-ordinary benefits ng Krystall Herbal Oil.

         Thank you so much Madam Fely, dahil sa napakahusay na imbensiyon ninyo ay marami kayong natutulungan para umigi ang lagay ng kalusugan.

         God bless po.

GENEVA ESPINOSA

Puerto Princesa

P A A L A L A

PARA po sa lahat na tumatangkilik ng produktong Krystall at sa mga nais matuto at dagdag kaalaman ng ating gamotan (natural healing), ang FGO Foundation po ay magkakaroon ng libreng seminar  sa April 20, 2023 araw ng Huwebes na gaganapin sa Farmers Plaza Cubao nasa 4th floor mula 1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon.

Sa mga nais magpalista o may mga katanungan tumawag lamang sa ating mga telepono #8995-8451/8853-0917  o magtxt sa CP#0915-297-2308.

Maraming Salamat and God bless!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …