Friday , February 28 2025
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Maliliit na bukol-bukol sa kamay ng plantsadora unti-unting nawala sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Mahirap po talagang magkasakit lalo na kapag ‘mahal’ at may pinipili ang serbisyong pangkalusugan  sa ating bansa.

               Nasabi ko lang naman ito, dahil sa aking karanasan. Nagkaroon po ako ng maliliit na bukol (nodules) sa aking mga kamay at daliri, natakot po ako kasi, akala ko may leprosy (ketong) ako.

               Ako po si Leilani Masangkay, 52 anyos, taga-Malabon City, isang plantsadora.

               ‘Yun nga po, minsan kasi hindi maiwasan na kahit katatapos ko lang magplantsa ay nakapagbabasa ako ng kamay. Kapag kinakapa ko po ang mga bukol hindi naman masakit.

               May nagsabi sa akin na iyon daw ay ilang palatandaan ng ketong. Hala, natakot po. Nagtiyaga po akong pumila sa San Lazaro para magpa-test kung may ketong nga ako. Sa awa po ng Diyos, kahit nan ga nahirapan ako sa proseso, negative naman po.

               Kaya ang ginawa ko, gumawa ako ng sariling oil mula sa langis ng niyog at siya kong ipinangmamasahe sa aking mga kamay na may bukol. Gumiginhawa naman po pero hindi pa rin nawawala ang mga bukol-bukol.

               Isang kaibigan ko po na suki ng Krystall Herbal Oil ang nagturo sa akin na bumili at gumamit ng “miracle oil” na imbensiyon ni Fely Guy Ong.

               Sinamahan po niya ako kung saan makabibili. At tinuruan niya ako kung paano gamitin sa aking mga maliliit na bukol sa mga kamay at mga daliri.

               Pinayohan din niya akong makinig sa programa ninyo sa DWXI 1314 Khz, Kalusugan Mula sa Kalikasan, at magbasa ng inyong kolum sa HATAW para ako’y matuto ng back to basic na pangangalaga sa kalusugan. 

               Sister Fely, ako po’y tuwang-tuwang dahil halos wala pang isang buwan akong gumagamit ng Krystall Herbal Oil ay nararamdaman ko na ang mga pagbabago. Unti-unti nang nababawasan ang mga bukol sa aking mga kamay at mga daliri.

               Kaya hanggang ngayon hindi ako tumitigil sa paghahaplos ng Krystall Herbal Oil. Mag-uumpisa na rin po akong mag-take ng Krystall Vit B1B6 para lalong mapangalagaan ang aking mga nerves.

               Ngayon pa lang po ay malaki na ang aking pasasalamat sa inyo Sis Fely. Dahil sa napakahuhusay ninyong imbensiyon ay nagiging maayos ang aming kalusugan.

               Maraming salamat po.

LEILANI MASANGKAY

Malabon City

About Fely Guy Ong

Check Also

Betong kaisa ng Playtime sa pagpapaalala Maging responsable sa paglalaro

Betong kaisa ng Playtime sa pagpapaalala: Maging responsable sa paglalaro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MAGING responsable sa paglalaro. Hindi naman porke andito kami ay para …

Krystall Herbal Oil

Galing at husay ng Krystall Herbal Oil pinatunayan ng BPO worker sa kanyang officemates

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          “Ang naniniwala …

OFWs to get Tech-Based Business Boost with DOST’s iFWDPH Program

OFWs to get Tech-Based Business Boost with DOST’s iFWDPH Program

The Innovations for Filipinos Working Distantly from the Philippines (iFWDPH) program of the Department of …

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Masakit na tuhod pinayapa ng Krystall Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Rhen Escaño CC6 Online Casino FunBingo

Rhen Escano may paalala sa mga naglalaro ng CC6 at FunBingo

RATED Rni Rommel Gonzales NAG-RENEW ng kontrata si Rhen Escaño bilang endorser ng online gaming …