Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Melissa Centenario, 55 years old, taga-Calamba, Laguna, nagtatrabaho bilang quality controller sa isang ice plant.
Halos maglilimang taon pa lang naman po akong nagtatrabaho sa planta ng yelo pero malaki po ang epekto sa kalusugan ko.
Nagkaroon ng pamamanhid ang kaliwang braso ko at parang laging masakit ang ulo ko.
Noong una ay inakala kong may hypertension ako pero nang magpa-laboratory test po ako, normal naman po.
Hanggang magkita po kami ng isa kong tiyahin at nagpapabili ng Krystall Herbal Oil sa Baclaran.
Itinanong ko po kung bakit kailangan pang pumunta sa Baclaran, e ang dami naming tindang langis sa mga botika at sa mall.
Ang sagot ng Tiya Irene, “Iba ang Krystall Herbal Oil, tandan mo ‘yan. Hindi ko na iisa-isahin pero napakaraming benepisyo para sa maayos na kalusugan.”
Nang ako po’y makabili, sabi niya, subukan mong ihaplos sa iyong mga binti, sa likod at braso para matanggal sa katawan ang lamig na dulot ng produktong yelo.
Ginawa ko nga po. Sa binti pa lamang ay naramdaman ko na ang ginhawa hanggang sa likod at tuluyan akong nakatulog.
Simula po noon, kapiling ko na ang Krystall Herbal Oil sa pagbabalanse ng aking kalusugan.
Maraming salamat po.
MELISSA CENTENARIO
Calamba, Laguna