Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Lola Melody, 67 years old, manikurista, naninirahan sa Payatas, Quezon City.
Pumapasok po ako sa isang commercial wellness center sa isang mall bilang manikurista.
Mula po noong unti-unting magbalik sa ‘new normal’ ang sitwasyon nating mga Pinoy mula sa pananalasa ng pandemya, nagdesisyon po akong magtrabaho sa mall.
Hay naku, grabe po ang hirap na inabot ko sa pagpasok sa trabaho. Hindi ko maibaluktot ang aking tuhod at ang paa ko’y napakasakit ilakad. Pero sabi nga, “laban lang!”
Last September, isang kasamahan ko sa trabaho ang nagdala ng Krystall Herbal Oil. Sabi sa akin ni Letlet subukan ko raw ihaplas sa mga tuhod at paa ko.
Hindi naman agad-agad, pero parang may naramdaman akong kakaiba. Sabi ko sa kanya, parang may nararamdaman akong kakaiba. Sabi niya, “sige
sa iyo na ‘yang isang bottle.”
Alam po ba ninyo Sis Fely , simula noong gamitin ko ang Krystall Herbal Oil ay naibabaluktot ko na ang aking tuhod at unti-unting nawala ang pangangalay ng aking mga mga binti?
Napakahusay ng inyong imbensiyon Sis Fely at talaga naman pong nakatutulong nang malaki sa mga kagaya namin.
Mula po noong September, ito lang po ang ginagamit kong panghaplas kaya mapapatunayan ko na napakagaling ng Krystall Herbal Oil.
Lubos na nagpapasalamat,
LOLA MELODY
Payatas, Quezon City