Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Problema ko po ang lumalalang pamimigat at pangangapal ng aking mga daliri. Sabi nila normal daw ito, mabuti na lang at niyaya ako ng kaibigan kong makinig sa inyo kaya ngayon gumaan na ang aking mga kamay.
Ako nga po pala si Jesusa Natividad, mag-senior citizen na po sa December 25. Taga-Caloocan City.
Sa pakikinig ko sa inyong programa, nabatid ko ang husay ng inyong Krystall Herbal Oil, kaya pinilit ko pong makapunta sa Baclaran para makabili. Hindi lang po ‘yung oil, bumili din po ako ng Krystall Vitamin B1, B6 para po sa aking mga nerves.
Nang makabili po ako ng Krystall Herbal Oil, agad ko pong inihaplos sa aking mga daliri at palad, hanggang pati sa braso.
Ang Vitamins B1B6 naman po ay iniinom para mga ugat ko.
Halong dalawang linggo pa lang po akong nagte-take ng B1B6, aba ang laki na ng ginhawa sa aking mga kamay at mga daliri.
Malaking tulong lalo ang araw-araw kong paghahaplos ng Krystall Herbal Oil na talaga namang nagtatanggal ng pangangawit.
Maraming, maraming salamat po Sis Fely dahil hanggang ngayon ay napakahusay ng inyong mga imbensiyon.
Ang inyong tagasubaybay,
JESUSA NATIVIDAD
Caloocan City